Oyo Sotto lambasts basher calling wife Kristine Hermosa "ingrata, maldita, santa santita"

IMAGE Noel Orsal

Oyo Sotto fires back at basher calling his wife Kristine Hermosa names: "@edjuneu Eh tanga ka pala eh! Plano naming itreat mga kasambahay naming. They're doing [their] job so wala kang pakialam. Ang engot mong gunggong!"


Nakatikim ng maaanghang na salita mula kay Oyo Sotto ang basher na inaakusahan ang misis niyang si Kristine Hermosa na “maldita” at “ingrata.”

Nag-ugat ang malisyosong pahayag ng basher sa larawan ng mga kasambahay nina Oyo at Kristine, na kasama ng mag-asawang nanood ng pelikulang Enteng Kabisote 10 and the Abangers, tatlong araw ang nakakaraan.

Kasama sa grupo ang kapatid ni Kristine na si Kathleen Hermosa at mister nitong si Martin Imperial.

Makikita rin sa litrato, na ibinahagi ni Kathleen sa kanyang Instagram account, ang apat na anak nina Oyo at Kristine.


Bagamat malinaw na nagkasiyahan ang kanilang grupo, binigyang-kulay ng basher ang suot na uniporme ng mga kasambahay ng celebrity couple. 

Malisyosong komento ng netizen, na may handle name na @edjuneu, laban kay Kristine: “Oo nga ang daming alalay di man lang pinagbihis talaga.

“Sa totoo yang @khsotto lahat ng taong makakita sa kanya maldita daw.

“Kung anong kinabait ng asawa siyang kinasama ng ugali ni Kristine.

“Ingrata at maldita in person! Santa santita @khsotto”


Ngayong Sabado, December 3, matapang na sinagot ni Oyo ang paninira sa kanyang maybahay na si Kristine.

Galit na pahayag ni Oyo laban sa basher na may handle name na @edjuneu:

“Eh tanga ka pala eh! Plano naming itreat mga kasambahay namin. They’re doing [their] job so wala kang pakialam.

“Ang engot mong gunggong!”

Tatlong beses pang inulit ni Oyo ang pagtawag sa basher na “engot.”

Iginiit din ng Kapuso actor na maganda ang pakikitungo niya at ni Kristine sa kanilang mga kasambahay.

“Ngingiti ba sila kung hindi sila Masaya?? Uulitin ko lang ah, engot mo!! Ha? Engot! Gets mo? Gamitin utak.”


Hindi rin napigilan ni Kathleen na ipagtanggol si Kristine at sabihing “nonsense” at “meaningless” ang paninira ng parehong basher.

Dagdag ni Kathleen: “Please find something to read or do something productive rather than talking trash.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Noong nakaraang Nobyembre, pinuntirya ng isa pang basher ang uri ng pamumuhay ng mag-asawang Oyo at Kristine. Inakusahan ng nasabing basher si Oyo na "batugan" at panay tanggap lang ng financial support mula sa ama niyang si Vic Sotto.

Read: Kristine Hermosa berates basher accusing husband Oyo Sotto of being "batugan"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN