Baron Geisler apologizes, accepts PAMI sanction

IMAGE Nerisa Almo

Baron Geisler on PAMI's decision to inhibit its artists from working with him: "Ina-acknowledge ko na may misunderstanding. Let's see. PAMI, I am sorry. If you do not want me to work with your co-actors or stars, I will understand."


Humingi ng paumanhin si Baron Geisler kaugnay ng isyung kinasangkutan niya at ng co-actor na si Ping Medina sa set ng indie film na Bubog.

Dahil sa insidenteng pag-ihi ni Baron kay Ping, na di dapat kasama sa eksena nilang dalawa, naghain ng reklamo ang huli sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI).

“I am sorry to Ping. I am sorry to Ms. Arlyn [dela Cruz, director].

“Gaya nga ng sinabi ko, it's a big misunderstanding.

“I think lilipas din po ito.

"I think and I believe na magkakaayos din kami ni Ping eventually, at ni Ms. Arlyn,” sabi ni Baron nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa pagpapakilala sa kanya bilang isa sa mga bagong endorsers ng Technomarine kagabi, December 3.

Read: Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler

Bago ng event, inilabas ng PAMI ang desisyon nila, kung saan nagkasundo ang mga miyembro na hindi muna nila papayagan ang kanilang mga talent na makatrabaho si Baron.

Gayundin, pagbabawalan nila ang kanilang mga talent na tumanggap ng proyekto kung saan bahagi ang direktor na si Arlyn dela Cruz.

Ito naman ay kaugnay ng pormal na reklamong inihain sa PAMI ng manager ni Baron, si Arnold Vegafria, na miyembro ng PAMI.

Ayon sa PAMI, hindi nahawakan nang tama ng direktor ang sitwasyon na hindi na dapat nangyari.

Ganunpaman, direkta ang buwelta ng PAMI kay Baron, na kailangan muna raw ipagamot bago bumalik sa trabaho.

Tanggap naman daw ito ni Baron. Ngunit sana ay naging patas umano ang PAMI sa desisyon nito.

Sabi ng aktor, “There are things that need to be dealt with in a legal matter.

“So, let's wait and see. Kailangan kasi patas ang ipapataw sa akin.

“Lahat po kami, sa mga part namin, siguro po naging unprofessional po ang lahat ng mga tao dun, lalo na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kunin na lang po nila 'yong behind the scenes, especially the last scene na may ihi.

"If you can see the entire behind the scene, which I know because I handled... I know how to handle the camera, I understand it.”

Bagamat hindi malinaw ang tinutukoy ni Baron, sinabi pa nito, “Ina-acknowledge ko na may misunderstanding. Let's see.

“PAMI, I am sorry. If you do not want me to work with your co-actors or stars, I will understand.

“But sana maging [unbiased] po sila, alamin kung ano talaga ang katotohanan.”

Masama rin ang loob ni Baron sa mga nangyari. Ngunit hindi niya tinukoy sa aming panayam kung kanino sumasama ang loob niya.

Ang sabi niya lang, “Kumbaga sa timba, napuno na rin ang kinasasakupan ng timba.

“Ngunit ang ikinagagalit ko lang, sana may sumalo doon sa timba na sinasabi ko. Malalim po.”

Baron Geisler reacts to PAMI's decision on Ping Medina's complaint against him.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on

NO MORE DRAMA. Sa kabila nito, tinatanggap daw niya ang anumang magiging epekto ng desisyon sa kanyang career.

Sabi niya, “Ayaw ko na po ng drama sa buhay ko dahil marami na.

“My mom is like a month or two months [na sa ICU]. So, I'm just here...

“These unnecessary problems, I will not dodge the bullet, I will face it.

“But for now, I have to do what I have to do for my family.”

Para naman sa kanyang parte, susubukan daw ni Baron na magbago.

Aniya, “I'm willing to wait. Magpapaganda lang ako ng katawan. Ipapakita ko sa kanila na... Yun na lang, it's hard to promise.”

Sa ngayon, hindi lamang si Baron ang natanggal sa indie film na Bubog. Hindi na rin pinagpatuloy ni Ping na gampanan ang karakter niya rito, ayon kay Direk Arlyn.

Read: PAMI to inhibit their artists from working with Baron Geisler


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN