Ping Medina files formal complaint against Baron Geisler

IMAGE Facebook photo of Ping Medina (left) and Baron Geisler (right)

Ping Medina (left) formally files complaint against Baron Geisler (right) to Professional Artist Managers, Inc. (PAMI). Baron's talent manager Arnold Vegafria says in a statement: "I will abstain from the voting to ensure fairness and impartiality."


Pormal nang naghain ng reklamo si Ping Medina laban kay Baron Geisler sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI).

Ito ay kaugnay ng pambabastos ni Baron kay Ping habang ginagawa ang isang eksena para sa indie film na Bubog.

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Sa Facebook post ng talent manager na si June Torrejon-Rufino, sinabi niyang magkakaroon ng emergency meeting ang mga miyembro ng PAMI upang pag-usapan ang reklamo ni Ping laban kay Baron.

“The Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) received a formal complaint from Ping Medina regarding the incident with Baron Geisler. We are calling for an emergency meeting to act on his complaint,” pahayag ni June sa kanyang Facebook post kagabi, December 1.

Ngunit ang naturang post ay burado na sa Facebook wall ng talent manager.

Kaugnay nito, hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ng talent manager ni Baron, si Arnold Vegafria, na isang miyembro ng PAMI.

Ito ang ipinadalang statement ni Arnold:

“On behalf of the other members of the PAMI, I gladly acknowledge Ping Medina’s formal complaint against my talent, Baron Geisler.

“While we acknowledge Baron’s behavioral lapses, we do not fully agree with the popular decision that he is the only one who is at fault regarding the controversial incident.

“We will be discussing this issue over the weekend, and I can assure everyone that we will abide by the majority decision.

“Being Baron’s manager, I will abstain from the voting to ensure fairness and impartiality, and will welcome any sanctions that the PAMI will formally lodge against him.”

BARON NEEDS HELP. Matatandaang noong Lunes, November 28, ikinuwento ni Ping sa kanyang Facebook post ang insidente ng pag-ihi sa kanya ni Baron sa isang eksenang ginagawa nila para sa Bubog.

Ayon kay Ping, ang ginawa ni Baron ay hindi kasama sa script at hindi nila napag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Pero giit ni Baron, ipinaalam niya sa kanilang direktor na si Arlyn dela Cruz ang kanyang gagawin sa eksena.

Aniya, “Sige, naihian kita [Ping]. Pero nagpaalam ako, three times [kay Direk Arlyn]. Kahit sa ‘yo.

“Naka-record 'yan sa behind the scenes. Puwera lang kung binura niyo.”

Gayunman, sa panayam ng TV Patrol kay Direk Arlyn, nanindigan siyang hindi ito ipinagpaalam ni Baron sa kanya.

Aniya, “Nag-insist siya [Baron], ‘Direk, puwede ba ako mag-dialogue? ‘Pagpiyestahan niyo na ‘yan!’ Yun ang pinagpaalam niya.”

Diin pa niya sa huli, “Baron, alam mo ‘yan. Alam mong iba ang ipinagpaalam mo.”

Read: Ping Medina admits to slapping Baron Geisler after urination incident

Dahil sa pangyayari, agad na tinanggal ni Direk Arlyn sa proyekto si Baron.

Samantala, si Ping naman ay hindi na rin magpapatuloy sa Bubog.

Ibabalik na ni Direk Arlyn sa original choices ang mga karakter na gagampanan sana nina Ping at Baron.

Sa kanyang Facebook post kahapon, December 1, sinabi ng direktor: “Ping knew he was a replacement, Baron too knew because he said he is ready with 'any role.'

“Ping needs to rest. Not just rest. Trauma has no time frame. Pain is not always on the surface.”

Sa hiwalay na Facebook post, iminungkahi rin ni Direk Arlyn na ipagamot si Baron.

Aniya, “Sincerely, a public appeal to his relatives. Ipagamot ninyo na si Baron.

“Sa mga matagal na niyang kaibigan, tulungan ninyo na.

“Iba na ang utak niya. Alcohol and anti-depressant pills and God knows what else he's taking...

“He needs help. Hindi niya kami tunay na nasaktan kung inaakala niya.

“Ang sarili niya ang winawasak niya--paulit-ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN