Jake Ejercito reveals daughter's meeting with "Daddy Lolo" Erap Estrada was unplanned: "In God's perfect time."

IMAGE Jake Ejercito's Twitter account

Jake Ejercito reveals that Ellie's meeting with his dad, former President and incumbent Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada, was unplanned: "We were in Tagaytay, it was All Souls Day, All Saints Day. In God's perfect time, it just happened."


Nilinaw ni Jake Ejercito na hindi sinadya ang pagtatagpo ng anak na si Eliie at ang lolo nitong si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nangyari ang pagtatagpo ng mag-lolo ilang araw matapos pumutok ang balitang si Jake ang tunay na ama ng anak ng aktres at dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Read: Mayor Joseph Estrada welcomes granddaughter Ellie

Lahad ni Jake, “Actually, it was unplanned.

“We were in Tagaytay, it was All Souls Day, All Saints Day.

"In God’s perfect time, it just happened. My Dad was there, Ellie and I followed."

Patuloy niya, “Tears of joy for everyone.

“I felt very relieved, eventually Ellie got to meet her grandfather.

"Daddy Lolo... she calls him Daddy Lolo. Very relieved and happy."

Alam ba ng ama ni Jake ang tungkol kay Ellie bago ang pagtatagpo ng dalawa?

Tugon niya, “I don’t think so.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa free birthday concert ni Michael Pangilinan, na ginanap sa Rajah Sulayman Park, noong November 26.

EARLY CHRISTMAS GIFT. Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, natanggap na raw ni Jake ang regalong pinakaaasam niya—ang makilala at matanggap ng pamilya niya ang kanyang anak.

"Finally! It’s a good Christmas for us," bulalas niya.

Hihiramin ba niya si Ellie mula kay Andi para makapiling ang anak sa Pasko?

Ayon kay Jake, “Borrow her for Christmas?

“We haven’t planned it yet, but I got to borrow her once in a while.

“I think the last time she was with me was the day before her birthday.

“Christmas gift? I think we already got it.

"Meeting his grandparents. Happy to say that this Christmas will be complete.

“My mom, she was the one who was the happiest.”

Pinapayagan ba siya ni Andi na hiramin si Ellie anumang oras na gusto niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Jake, "She does, but not as much as I want to."

May balak ba siyang ipasyal out of the country ang anak, lalo’t afford naman niya ito kung saka-sakali?

“Out of the country? As of now, none yet, but eventually, of course.

“Maybe Disneyland, Hong Kong.”

DADDY SINCE DAY ONE. Ikinuwento rin ni Jake na bago pa man niya nakumpirmang anak niya talaga si Ellie ay "Daddy" na ang tawag nito sa kanya.

“She calls me Daddy ever since.

“Ever since Ellie was born, I was there for her.

“I was her father figure ever since.

“Before I found out, ako lang ang kilala ni Ellie na Daddy niya.

"She calls me Daddy," pagmamalaki niya.

Siniguro naman ni Jake na hinaharap niya ang pinansiyal na responsibilidad sa anak.

“Yeah, I do... Let’s not get lang into details, but, yeah.”

NOT KEEN ON SHOWBIZ CAREER. Sa kabila na pag-guest ni Jake sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! at ng kanyang pagkapanalo sa PMPC Star Awards for TV bilang Best New Male Actor, hindi pa rin nakikita ni Jake ang sarili sa showbiz.

Saad niya, “The limelight, well, I still don’t consider myself a celebrity.

“I’m still focusing on my studies. Masters in Marketing.

“I still have eight months left. I’ll finish August next year.

“Focus ako sa studies, but I have my Christmas break for a month.

“Afterwards, I have several businesses right now.

“I have a cafe, gym, so maybe develop that and expand. Basically business.

“Well, I’m not banking on it [showbiz], to be honest.

“I’m really not that type. I don’t see myself acting on shows and movies,” giit niya.

May balak din ba siyang pasukin ang pulitika, kagaya ng maraming miyembro ng kanilang pamilya?

Ayon kay Jake, “Politics? I took Politics also on my third year college, but now I see myself towards business lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’m not closing any doors. It’s also in the blood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN