Mayor Joseph Estrada welcomes granddaughter Ellie

IMAGE @unoemilio Instagram

Jake Ejercito posts photo of his four-year-old daughter Ellie together with his parents Manila Mayor Joseph Estrada and Laarni Enriquez.


Sa isang pambihirang pagkakataon, ibinahagi ni Jake Ejercito ang larawan ng ama niyang si former President at Manila Mayor Joseph 'Erap' Estrada kasama ang anak ng binata na si Ellie.

Base sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, November 1, kasama rin nila ang ina ni Jake na si Laarni Enriquez.

Sabi ni Jake sa caption ng kanyang Instagram post: “Last night was a good night.”

Last night was a good night

A photo posted by Jake Ejercito (@unoemilio) on

Ito ang unang pagkakataong nagbahagi si Jake ng larawan ng ama na si Mayor Erap at anak na si Ellie mula nang mabunyag sa publiko na ang binata ang siyang tunay na ama ng apat na taong gulang na bata.


Tila hudyat ito ng suporta ni Mayor Erap sa pagiging binatang ama ni Jake, at pati na rin sa mainit na pagtanggap ng alkalde kay Ellie bilang apo nito.

Base sa iba pang larawang ibinahagi ni Jake sa kanyang Instagram stories, makikitang yakap ni Mayor Erap si Ellie.

Mayroon ding larawan kung saan naroon sina Jake, Mayor Erap, at Laarni habang magiliw na pinagtutuunang pansin si Ellie.


THE FIVE-YEAR SECRET. Si Ellie ay anak ni Jake sa Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

Noong September 22, naisapubliko na kumpirmadong si Jake ang biological father ni Ellie nang ibunyag ito ng half-sister ni Andi na si Max Eigenmann.

Read: Andi, Albie, Jake: A five year secret finally revealed?

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 24, inamin ni Jake na isang taon na mula nang makumpirma niyang anak niya si Ellie, base sa isang DNA test.

Read: PEP ECLUSIVE. Jake Ejercito on being the father of Ellie: "I've never denied it."

Sa kabilang banda, nanatiling mailap si Andi tungkol sa isyu. 

Sa kanyang official statement noong September 30, sinabi ni Andi na nais niyang protektahan ang privacy ng anak sa pamamagitan ng pananahimik tungkol sa tunay nitong ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN