Mikee Cojuangco elated over reunion with "dear friend" Regine Velasquez

IMAGE Instagram photo of Mikee Cojuangco

Mikee Cojuangco-Jaworski on her reunion with DoReMi co-star Regine Velasquez-Alcasid: "So happy to see my dear friend in person after so long!"


Kitang-kita ang kasiyahan sa mga mukha nina Mikee Cojuangco-Jaworski at Regine Velasquez-Alcasid nang magkita silang muli kamakailan.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinahagi ni Mikee sa kanyang followers ang muling pagsasama nila ng kanyang “kumare” na si Regine.

Naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang gawin nila ang hit movie na DoReMi noong 1996, kasama si Donna Cruz.

Sabi pa ni Mikee sa caption ng larawan nilang dalawa ni Regine: “So happy to see my dear friend in person after so long!”

Kaugnay nito, ilang followers ang naghayag ng kanilang panghihinayang dahil hindi nila nakasama si Donna.

Si Donna ay nakabase na ngayon sa Cebu matapos magpakasal kay Yong Larrazabal noong 1998.

Pero hindi naman nakalimutan nina Mikee at Regine si Donna.

Sa katunayan, sa isa pang larawan, naglaan sila ng espasyo para sa singer-actress.

Biro ni Mikee sa caption: “Doings, kahit wala ka nag-iwan kami ng space para sayo. Photoshop nalang natin. Hahahahaha!”

Dahil dito, muli na namang napatanong ang fans ng DoReMi: “Kailan kaya sila mabubo muli?”

Matatandaang noong Agosto ay nagkita sina Regine at Donna sa show ng Asia's Songbird sa Cebu para sa iniendorso nitong telecommunications company.

Hahaha! Yung hindi kami sure kung kaninong part at tono ang kakantahin... ???? biglaan po kasi kaya siyempre hindi naka practice hahaha! ???? Wala ka din kasi, Mikes kaya medyo nalito kami ni Reg?! Hahaha! @mikeecj ???????????? But super happy po na nagkita ulit kami at naka duet pa si Reg @reginevalcasid! Konti lang po ang mga talagang kaibigan ko lalo na sa showbiz pero sobrang totoo, mapagkakatiwalaan at tunay na mababait po sila kaya grateful and thankful po ako sa, at para sa kanila ?????? Hindi man kami palaging nagkikita, umaabot pa ng taon minsan, pero pag nagkita at nagkasama, parang kahapon lang nangyari, walang nagbago, nagkaron lang po kami ng sari-sariling pamilya! ?????? #Hugot ???? Para po sa mga nag-ask kung nasaan si Mikee, she's in Rio po sa Brazil for the summer olympics ???????????????????? Ingat and enjoy ka diyan, Mikes! ???????? Goodluck din po sa lahat ng mga athletes natin sa #Rio2016! ???????????????????????????? #teamPhilippines ???????? God bless you all! #Proud2BePinoy ?? #Repost @pldthome with @repostapp ??? The DO and RE of DO RE MI are are on stage together again in Cebu! Regine Velasquez-Alcasid and Donna Cruz perform a duet of the song "I can" as they serenade the entire crowd here at SM City Cebu. #AtHOMEwithRegine #AtHOMEinCebu

A video posted by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzyl) on

Read: Regine Velasquez and Donna Cruz reunite in Cebu

Nagsimula rin ang usap-usapang magkakaroon ng sequel ang kanilang sikat na pelikula.

Read: Will there be a sequel of Donna-Regine-Mikee movie DoReMi?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN