Kris Aquino reunites with Vice Ganda: "Love knows no channels."

IMAGE Instagram

Kris Aquino had a movie date with her "asawa," Vice Ganda. Kris revealed that her new manager, Mr. Tony Tuviera, allowed her to join up with Vice. 


Ang “asawa” ni Kris Aquino na si Vice Ganda ang naging guest ng Queen of All Media sa kanyang Facebook Live ngayong Lunes, December 5.

"Asawa" ang term of endearment nina Kris at Vice.

Nagbitiw pa ng makahulugang pahayag si Kris sa pagsisimula ng Facebook Live niya ngayong araw.

“Love knows no channels,” sabi ni Kris, na ngayon ay wala na sa bakuran ng ABS-CBN.

Nagkita sina Kris at Vice sa isang mall sa Quezon City upang panoorin ang current movie ni Vice na The Super Parental Guardians.

Biro pa ni Kris kay Vice: “Dinala mo lahat ng marshals ng ABS [CBN], parang pinaramdam mo na 'this is what you’re missing.'”

Banggit pa ni Kris sa pagkikita nila ni Vice, “This is love. May permission ako ni Mr. T.”

Si Mr. T ay si Tony Tuviera, ang kasalukuyang nagma-manage ng career ni Kris.

Kuwento pa ng TV host-actress tungkol kay Mr. T, “Sa kanya nanggaling na, ‘Hindi naman namin kayang tanggalin na magmahalan kayo, at friends talaga kayo.’

"At sinabi niya na, ‘I can’t [remove] the fact na you have a relationship with him.’"

Sa social media naman, nagpasalamat si Kris na pinagbigyan siya ni Vice.

Kasama nilang nanood ang dalawang anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Noong nakaraang linggo, nakasama naman ni Kris sa kanyang kauna-unahang Facebook Live ang Kapuso star na si Maine Mendoza.

Read: Maine Mendoza gets Kris Aquino teary-eyed during their "first meeting"

Sa kasalukuyan ay wala pang regular TV show si Kris pagkatapos niyang lisanin ang ABS-CBN noong Setyembre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN