Robin Padilla optimistic about U.S. visa approval after absolute pardon

IMAGE Gorgy Rula

Robin Padilla on having a U.S. Visa: "Hindi naman sa parang taeng-tae kami sa Amerika, kundi una, ang lahi namin ay native American. Ang lahi ng mga anak ko kay Liezel [Sicangco, his first wife] ay American Jew… Goldberg 'yan, e. May karapatan din naman silang makarating dun."


Kumpiyansa si Robin Padilla na mabibigyan na siya ng U.S. Visa ngayong ginawaran na siya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read: President Rodrigo Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla

Sabi ni Robin, “Meron na pong absolute pardon, wala na kaming nakikitang dahilan para i-deny pa ako.”

Ilang beses na kasing na-deny ng US Embassy si Robin bunsod ng pagkakakulong niya noon dahil sa salang illegal possession of firearms.

Ayon sa aktor, pati ang mga anak niya sa dating asawa na si Liezel Sicangco ay naapektuhan din ang pagkakaroon ng U.S. Visa.

“Mas mahalaga sa akin ang approval na ito para sa mga anak ko.

“Kasi ang mga anak ko ang kasamang na-deny, e. Pati yung mga visa nila, na-cancel.

“Si Kylie, na-deny. Si Shen, na-cancel ang visa.

“Si Alih, na-cancel din ang visa. Nadamay sila, e.

“Kaya nga ako ay, kumbaga, inaano natin para sa mga bata.”

Paglilinaw ni Robin, “Hindi naman sa parang taeng-tae kami sa Amerika, kundi una, ang lahi namin ay native American.

“Ang lahi ng mga anak ko kay Liezel ay American Jew… Goldberg ‘yan, e.

“May karapatan din naman silang makarating dun.”

MARIEL AND THEIR BABY. Dahil na-deny noon ang kanyang application for U.S. visa, hindi nakalipad si Robin sa Amerika upang samahan ang misis niyang si Mariel Rodriguez sa panganganak nito.

Mabuti na lamang daw at may modern technology kaya naa-update siya sa kanyang mag-ina.

Saad ni Robin, “Ano lang, kasi nga, hanggang ganyan ka lang, technology.

“Pero nagdadasal pa rin kami.

“Wala naman ako mareklamo sa US Embassy.

“Napakabuti nila sa asawa ko, binigyan nila ng visa yung yaya ni Mariel, laking tulong nung yaya niya.”

BB GANDANGHARI. Hiningan din namin ng reaksiyon si Robin tungkol sa pagpalit ng status sa Amerika ng kanyang kapatid na si BB Gandanghari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nirerespeto raw niya ang desisyon ng kapatid na palitan na sa ‘female’ ang gender nito.

Read: BB Gandanghari's petition to change name, gender approved by U.S. court

Pahayag ni Robin, “Kaligayahan niya yun, e.

“Hindi ko naman maibibigay sa kanya ang kaligayahan na yun.

“Nahanap na niya yun. E, di maligaya ako sa kanya bilang kapatid.

“Ang importante, siya ang maligaya.”

Hindi pa raw sila nagkakausap na magkapatid.

Hindi rin daw niya alam kung magkikita sila ni BB kung sakaling matuloy ang pagpunta niya ng Amerika.

Ang isa raw sa concern niya ay madalaw si Mariel at ang anak nilang si Ysabella.

“Atraso ko kasi yun, e. Yun ang hindi ko nagawa sa mga una kong naging anak.

“Parang redemption ‘yan,” seryoso niyang sabi.

Samantala, tumangging magsalita si Robin kaugnay ng pakikipagbalikan ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN