Kris Aquino makes a stand for Vice President Leni Robredo

IMAGE Instagram photo of Kris Aquino

Kris Aquino makes a statement following VP Leni Robredo's resignation from Duterte cabinet: "I've purposely kept quiet about political issues BUT for her I will always be ready to make a stand."


Mananatili ang suporta ni Kris Aquino kay Vice President Leni Robredo sa kabila ng pagbibitiw nito bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pormal na nagbitiw si Robredo bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) kahapon, December 5.

Sa kanyang Instagram post kagabi, December 5, muling inihayag ni Kris ang kanyang suporta sa bise presidente, na kanya ring sinuportahan noong nakaraang eleksyon.

Dito, ibinahagi ni Kris ang larawan nilang dalawa ni VP Leni na may kasamang quote mula sa pahayag ng huli tungkol sa kanyang pagbibitiw:

“This is not a time for fear; this is a time for conviction. It's a time for COURAGE.”

Sa caption nito, sabi ni Kris: “I've purposely kept quiet about political issues BUT for her I will always be ready to make a stand.”

I've purposely kept quiet about political issues BUT for her I will always be ready to make a stand. #LabanLeni

A photo posted by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

Simula nang bumaba sa puwesto ang kanyang kapatid na si former President Benigno “Noynoy” Aquino III, umiiwas na si Kris na magbigay ng anumang pahayag tungkol sa pulitika.

Masasabing ang mga huling hirit niya na may halong pulitika ay nang mag-host siya sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo, na ginanap sa Davao City noong November 11.

Read: 12 funniest Kris Aquino quotes during her TV comeback

Pormal na inihain ni VP Leni ang kanyang resignation mula sa Duterte cabinet kahapon, December 5.

Ito ay matapos ipag-utos ni President Duterte na huwag na siyang dumalo at makibahagi sa cabinet meetings.

Narito ang press briefing ni VP Leni matapos siya magsumite ng kanyang resignation bilang chairperson ng HUDCC:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN