Alex Gonzaga posts another photo of rumored boyfriend Mikee Morada

IMAGE @cathygonzaga Instagram (inset) / @almiraliwagtaftw Instagram (main photo, CTTO))

Alex Gonzaga posts photo of rumored non-showbiz boyfriend Mikee Morada via her Instagram story dated December 1.


Tila patuloy ang magandang pagtitinginan sa pagitan ni Alex Gonzaga at ng rumored non-showbiz boyfriend niyang si Mikee Morada.

Base na rin ito sa larawang ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram story noong December 1.

Sa naturang larawan ay makikitang magkasama sina Mikee at Paul Soriano, mister ng kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga.

Nilagyan ng 28-year-old Kapamilya actress-TV host ang litrato ng maiksing caption na nagsasabing “twinning” sina Mikee at Paul.


Naging usap-usapan ang tungkol sa ugnayan nina Alex at Mikee nang ideklara ng Kapamilya star na sa wakas ay hindi na siya maituturing na “third wheel” sa mag-asawang Toni at Paul.

Kasunod nito ay ang katanungan ng fans ni Alex kung nobyo na ba niya ang non-showbiz guy.

Read: Who is Mikee in Alex Gonzaga's life?

Bukod sa “not a third wheel or fifth wheel anymore” Instagram post ni Alex ay mayroon din siyang ibinahaging solo picture ni Mikee.

Lamang, madilim ang kuha at tanging ang signature cap at specs lamang ng binata ang mababanaag.

#NationalBLANKday ??

A photo posted by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Sa ngayon ay nananatili pa ring tikom ang bibig ni Alex hinggil sa tunay na estado ng relasyon nila ni Mikee at kung paano sila nagkakilala.

Minsan na ring sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng detalye si Mikee sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa Facebook account nito.

Ngunit hindi sumagot ang binata.

Sa kabila nito, kapansin-pansing binago ni Mikee ang kanyang Facebook display photo.

Mula sa dating solo profile picture nito ay ginamit na ng binata ang larawan nila ni Alex na kumalat sa social media noong nakaraang buwan.

Sa hiwalay na ulat ni Salve Asis para sa Pang Masa ng Philippine Star, nakasaad na si Mikee ay mula sa pamilya Morada, na may-ari ng banko sa Lipa City, Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN