Julia Barretto on relationship with dad Dennis Padilla: "Everything is so much better than it was before."

IMAGE Instagram (@billyjamesfitnesscenter) / Andreena Elinon (Julia)

Julia Barretto seemed to have patched things up with her father Dennis Padilla. She said, "Everything is so much better than it was before, baby steps talaga y'an. He's still my father at the end of the day, siyempre mahal ko pa rin yung tatay ko."


Ayon kay Julia Barretto, sinadya niyang hindi tanungin ang amang si Dennis Padilla nang ginagawa ng dalaga ang Vince & Kath & James, isang 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry.

Nagpatawa kasi si Julia sa pelikula, at kilala naman si Dennis bilang komedyante. 

May halong comedy ang pelikulang pinagbibidahan ni Julia, kasama sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Paliwanag ng dalaga, "No, kasi gusto ko siya i-surprise!

"Gusto ko makita niya yung finished product, tapos doon na siya magbigay ng comments niya right after."

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Vince & Kath & James kahapon, December 6, sinabi ni Julia na kahit ang ina niyang si Marjorie Barretto ay walang alam sa role ni Julia sa pelikula.

Pagpapatuloy niya, "But sana, I make my mom and dad proud, kasi it's my first role na ganito.

"Wala silang clue, even my mom, wala siyang idea kung ano yung character ko dito, yung story.

"That's why she's so excited to watch, kasi she's curious."

Nabanggit din ni Julia na makakasama niya ang ina sa pagsi-cinema hopping sa December 25, unang araw ng pagbubukas ng MMFF official entries.

Biro pa niya, "Ang mommy ko, napaka-proud at napaka-excited. Siya ata ang magsi-cinema tour!"

Dahil dito, natanong si Julia kung makakasama rin ba niya ang ama sa cinema tours sa Kapaskuhan.

Sagot ng 19-year-old actress, "I hope so. Let's see. I hope so.

"He has his own family na rin, e.

"So, I don't know if he's gonna be spending it with them."

Kumusta naman ang relasyon niya sa kanyang ama?

Sagot ni Julia, "Everything is so much better than it was before. Baby steps talaga 'yan.

"He's still my father at the end of the day, siyempre mahal ko pa rin yung tatay ko."

Unang nagkaayos ang mag-ama sa debut ni Julia noong March 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit nagkaroon uli ng problema nang mag-petition ang aktres na palitan ang kanyang apelyido mula Baldivia (tunay na apelyido ni Dennis) sa Barretto (apelyido ni Marjorie).

Napabalita naman nitong Mayo ang aksidenteng pagkikita nina Julia at Dennis sa isang gym, at dito nabanggit ng young actress na matagal na nilang inaayos ang gusot sa pagitan nilang mag-ama.

Read: Julia Barretto slowly patching things up with dad Dennis Padilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN