Is Vice Ganda mad at Kris Aquino for watching Vic Sotto's movie first?

IMAGE Instagram

Kris Aquino is seeing possibilities—a reunion movie with Vice Ganda, a movie starring Vic Sotto and Vice Ganda, and her busy days ahead in showbiz. New romantic interest? Her quick response: "No, kasi ang dami kong nire-rebuild, unahin ko muna ang trabaho ko. Maraming parating papasok at kailangan… hundred percent focus dun." 


Bumawi si Kris Aquino kay Vice Ganda dahil sabay silang nanood ng bagong pelikula ng Kapamilya comedian-host na The Super Parental Guardians sa Cinema 2 ng Trinoma Mall noong Lunes, December 5.

Akala raw kasi ni Kris ay nagtampo sa kanya si Vice dahil mas nauna pa niyang pinanood, kasama si Maine Mendoza, ang pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers.

Read: Maine Mendoza gets Kris Aquino teary-eyed during their "first meeting"

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Tinanong ko siya, ‘Galit ka ba sa akin?’

"Kasi nung Wednesday [November 30], iba yung inuna kong panoorin.

“Sabi ko, ‘Galit ka sa akin, asawa?’

"Madrama lang talaga ako."

Ayon kay Kris, ang kanyang mga anak ang talagang gustong mapanood ang pelikula nina Vice at Coco Martin.

“Yung mga kids talaga, actually si Bimby ang nangulit sa kanya at sinabing, ‘Tito Vice, we're gonna watch your movie.’

"Wala siyang choice, lahat ng English, nilalabas niya."

Dagdag ni Kris, “They’re here now, we’re all here, the whole family is here.

“We just only want to congratulate Vice for this enormous success.

“Nandito kami and we’re going to watch, we’re going to enjoy and... congratulations, Coco!”

Ginawan nga raw ng paraan ni Kris, nang sinabihan siya ni Vice na libre siya noong araw na iyon, para sama-sama nilang mapanood ang pelikula nito.

Kailangan daw kasing masubaybayan ni Vice ang panonood ni Bimby dahil may mga kailangan itong i-explain sa bata.

Sabi naman ni Kris kay Vice, “Okay, we’re free today.”

POSSIBILITIES. Dahil hindi na madalas ang pagkikita nila ni Vice, ano ang na-miss ni Kris sa kaibigan?

Natatawang saad niya, “Ito kasi inaaway ko, 'Nagpasiklab ka talaga sa akin, lahat ng marshals, dala mo. Pinaramdam mo sa akin kung ano ang iniwan ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko pa, ‘Ewan ko sa iyo, tapos lahat kayo full force ngayon, parang ipinaparamdam ninyo sa akin.’”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang pag-alis niya sa bakuran ng ABS-CBN, kung saan naging isa siya sa pinakamalaking artista ng network.

Ngunit dagdag ni Kris, “Pinayagan nga ako ni Mr. T [Tony Tuviera] to be here right now, dala ko rin ang crew ko.

“That’s friendship, that’s love.”

Si Tony Tuviera ang head ng APT Entertainment at manager ngayon ni Kris.

Katapat ng Eat Bulaga! sa GMA-7 ang programa ni Vice na It's Showtime sa ABS-CBN.

Kahit wala na si Kris sa Kapamilya network, sinabi nitong puwede naman silang magkatrabaho muli ni Vice.

Nakikita rin daw niyang puwedeng magkasama sa isang proyekto sina Vice at Vic Sotto.

Palaging nagtatagisan ng lakas sa takilya ang dalawa sa taunang Metro Manila Film Festival, maliban ngayon sa gaganaping MMFF 2016.

Ayon pa kay Kris, “Ako nga, feeling ko, at some point, siya at si Vic, puwedeng magtrabaho together.

"Let’s look forward to that."

DINNER WITH HERBERT. Samantala, inusisa rin si Kris tungkol sa balitang lumabas sila ni Mayor Herbert Bautista at kumain pa sa isang restawran sa may Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ng Queen of All Media, “Nahihirapan akong sumagot... It’s not a date, namumula tuloy ako.

"Bakit sa APT hindi ako tinatanong ng ganyan, bakit sa ABS may ganito kaagad?"

Patuloy niya, “Nagkumustahan kami, yes, we’re friends,

“I think we will remain friends for the rest of my life.”

Handa na ba si Kris magmahal uli?

Tugon niya, “No, kasi ang dami kong nire-rebuild, so unahin ko muna yun.

“Unahin ko muna ang trabaho ko... maraming parating papasok at kailangan I should be at my best.

“Hundred percent focus dun. Pag matatag na yun, dun siguro puwede.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN