Boobay leaves hospital after stroke

IMAGE Instagram

Boobay is now discharged from the hospital, says the comedian's partner. However, Boobay will undergo continuous medication and speech therapy for his full recovery. 


Nakalabas na ng ospital ang Kapuso comedian na si Boobay, Norman Balbuena sa totoong buhay, matapos ang higit isang linggong pagkaka-confine.

Isinugod sa intensive care unit ng isang pribadong ospital si Boobay noong November 27 dahil sa acute stroke.

Read: Kapuso comedian Boobay rushed to ICU following stroke

Ngayong Miyerkules, December 7, muling nagbigay ng update ang partner ni Boobay na si Kent Juan Resquir sa Instagram tungkol sa kalagayan ng komedyante.

Ipinaalam nitong inilabas na sa ospital si Boobay.

Ayon kay Kent, lubusan nang naka-recover si Boobay mula sa stroke, subalit kailangan pa rin nito ng patuloy na gamutan at speech therapy.

“Boobay is now discharged from the hospital; fully recovered from the weakness due to complete bed rest but still needs continuous medication and speech therapy.

"So far, he’s doing a great job at it.

“Let us continue praying for his early comeback at the stage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN