Mercedes Cabral apologizes to Mother Lily for cursing at her

IMAGE Noel Orsal

Mercedes Cabral on indie films at MMFF 2016: "I think siguro, ito na rin siguro yung oras para hainan natin ng ibang putahe din ang mga tao, ang masa."


Humingi ng paumanhin ang veteran indie film actress na si Mercedes Cabral sa Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde dahil sa paggamit niya ng masasamang salita laban dito sa kanyang Facebook post kamakailan.

Matatandaang hindi naging maganda ang reaksiyon ni Mercedes sa pahayag ni Mother Lily sa isang panayam na hindi akma ang pagpapalabas ng independent films tuwing Kapaskuhan, matapos ianunsiyo ang walong pelikulang kalahok sa 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang pelikula ni Mother Lily na Mano Po 7: Chinoy ay hindi nakapasok sa MMFF, samantalang ang pelikulang kinabibilangan ni Mercedes, ang Oro, ay nakapasok sa Magic 8.

Read: Actress Mercedes Cabral blasts Mother Lily for her statement about indie films in MMFF 2016

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mercedes sa pocket presscon ng Oro sa isang restaurant sa Quezon City ngayong Biyernes, December 9, ipinaliwanag ng aktres na dala lamang ng bugso ng damdamin kaya siya nakapagmura sa kanyang post.

"Siguro hindi [para] i-defend yung sarili ko, but to siguro just say something about what happened, like, explain my side.

"I’m not denying anything, it was just a pure reaction of what I read.

"So, ang sa akin, andun yung, oo, emotional yung ginawa ko.

"Kasi ganun din ako, e. Ugali ko yun, e.

"Na pag nakakakita ako o nakakabasa ako ng something na siguro against doon sa pinaninindigan ko o pinapaniwalaan ko, lalo pagdating sa [indie], yeah, nagre-react talaga ako."

NOT FOR PUBLIC CONSUMPTION. Paliwanag niya, hindi dapat naka-public ang Facebook post niyang iyon.

Nakalimutan daw niya itong "i-restrict to friends" hanggang sa lumabas na lang ang mga artikulo tungkol sa post niya.

"So, una, it wasn’t supposed to be, like, hindi naman siya kailangan, so it wasn’t intended to be publicized.

"So, nagkataon lang na hindi ko na-change na friends ko lang ang makakakita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, I just need to let it out. Yun lang, e.

"So, ang nangyari, naging public siya.

"Tapos nagulat na lang ako kasi may nag-tag sa akin na may article, and the headline was that na 'Mercedes Cabral, tinawag na f***ing idiot si Mother Lily.'"

Isa raw sa ikinasama ng loob ng aktres ay personal niyang kakilala ang unang naglabas ng balita at hindi ito nagpaalam na gagamitin ang kanyang post.

Saad niya, "Nagulat ako, and yung unang reaction ko, parang natawa nga ako, e, na 'Oh my God, parang sinong gumawa nito?'

"And then, kakilala ko pa.

"So, parang andun yung naano ako, e, nagulat ako na wala kasing paalam na 'Can I use this?'

"It was a personal reaction.

"Personal comment siya na ginamit against me, naging laban pala sa akin.

"It was just a reaction."

CUSS WORDS. Dagdag pa ni Mercedes, mukhang lumaki lang ang isyu dahil sa kanyang pagmumura.

Saad niya, "Ang sa akin lang, nagulat ako na lumaki siya nang ganun.

"I think lumaki siya because of the cuss words.

"I think wala namang magre-react, hindi siya lalaki nang ganun kung walang cuss words, e.

"I think hindi papansinin yung sinabi ko kung wala yung cuss words."

Patuloy niya, "Ang naging labas lang, na-relate nila yung cuss words to Mother Lily, which is not.

"Kasi, I was just reacting doon sa sinabi at doon sa nabasa ko na ang Pasko ay para sa bata or ang mga independent movies, hindi dapat pinalalabas sa Pasko.

"Yun lang yung reaction ko dun.

"So, ang sa akin, parang feeling ko, parang natraydor din ako na ginamit yung sinabi ko."

SORRY, MOTHER LILY. Humingi rin ng tawad si Mercedes kay Mother Lily para sa mga nasabi nitong foul words sa kanyang post.

Paglilinaw niya, hindi niya minamaliit ang mga pelikulang naiprodyus ng Regal Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I’m gonna apologize, I apologize for the cuss words, kasi lumabas siya. So that was it.

"Pero I acknowledge naman lahat, e, ng ginagawa ng Regal Films, yung mga na-produce ng Regal Films na magaganda, ano yung mga naitulong niya sa independent cinema, I acknowledge that.

"Hindi ko naman tinitira yun, e.

"I was just reacting doon lang sa nabasa ko na Christmas is dapat hindi puwede ang independent movies, yun lang. That was it, simple as that.

"It's just that yung nabasa ko lang na article, alam mo yung pag may nabasa ka na nainis ka rin?

"Para lang ilabas mo, e.

"Yun lang, reaction lang talaga siya na personal.

"Pero yun nga, nagamit against me na hindi naman dapat."

Subalit naniniwala si Mercedes na wala nang dapat dibisyon sa pagitan ng independent at mainstream movies.

Paliwanag ng aktres, "Wala dapat 'yan, wala dapat hati, na ito dapat ipapalabas lang sa Pasko.

"Hindi, dapat kayo puwede ipalabas, may time kayo dapat magpalabas.

"Bakit, why, why? Like, ito na yung oras nga para magbago.

"Hindi sa binababa namin ang mga mainstream movies pero, I think siguro, ito na rin siguro yung oras para hainan natin ng ibang putahe din ang mga tao, ang masa.

"Like, sana huwag niyo munang pangunahan na, 'Hindi kikita 'yan, na hindi papanoorin ng tao 'yan.'

"Huwag niyo na muna sanang pangunahan kasi we don’t know.

"Paano pag napanood nila? And then, 'Wow, iba pala. Iba pala 'to ngayon.'

"So, yeah, it’s sad na may division na hindi naman dapat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN