Watch Now

Rosanna Roces marries lesbian partner Blessy Arias for the second time

by James Patrick Anarcon
Dec 10, 2016
Rosanna Roces married her lesbian partner Blessy Arias earlier tonight, December 10. It served as their second wedding as they already got married in Canada last September.

Ikinasal na si Rosanna Roces at ang kanyang lesbian partner na si Blessy Arias ngayong Sabado ng gabi, December 10.

Naganap ang seremonya sa Alexa’s Garden Venues sa Antipolo, Rizal, na siya ring nag-upload ng mga litrato sa kanilang Facebook account.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga dumalo sa kasal ay ang Superstar na si Nora Aunor, na nagsilbing isa sa principal sponsors nina Rosanna at Blessy.


Dumalo rin sa naturang pagdiriwang ang entertainment columnist na si Butch Francisco, na dating co-host ni Rosanna sa defunct showbiz talk show ng GMA Network na Startalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Ang batikang indie film director na si Adolf Alix Jr., na ninong rin sa kasal, ay nag-post naman ng picture ng bagong kasal sa kanyang Instagram account.

Congratulations Ms. O and Blessy. Thank you for making me your ninong. #LoveWins ????????

A photo posted by Adolfo Borinaga Alix, Jr. (@aalixjr) on

LOVE STORY. Pebrero ng taong ito nang unang sinabi ni Rosanna, sa interview niya sa Tonight with Boy Abunda, na pakakasalan niya si Blessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa niya pinangalanan noon ang kanyang partner, subalit sinabi niyang 15 years old pa lang siya nang una silang nagkaroon ng relasyon, at nagkita silang muli matapos ang 27 taon.

Read: Rosanna Roces to marry her lesbian lover

Nitong Setyembre naman ay nauna nang nagpakasal ang dalawa sa Canada.

Read Next
Read More Stories About
Rosanna Roces
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosanna Roces married her lesbian partner Blessy Arias earlier tonight, December 10. It served as their second wedding as they already got married in Canada last September.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results