Dingdong Dantes honored by Robin Padilla's anointment as action heir apparent

IMAGE Reielle Deslate

Dingdong Dantes feels honored upon being acknowledged by Robin Padilla as one of the rightful heirs to the action star torch, alongside Coco Martin: "Sobrang honored ako. Sobrang honored ako na kinikilala niya ang trabaho namin ni Coco."


Naging vocal ang action star na si Robin Padilla na ipinapasa na raw niya ang trono at kinikilala sina Coco Martin at Dingdong Dantes bilang karapat-dapat na maghari sa larangan ng action ngayon.

Si Coco ang bida sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN, samantalang si Dingdong naman ang bida sa GMA-7 fantaserye na Alyas Robin Hood.

“Sobrang honored ako.

“Sobrang honored ako na kinikilala niya ang trabaho namin ni Coco,” lahad ni Dingdong nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa Timberland Sports and Nature Club sa San Mateo, Rizal noong December 7 kunsaan ginaganap ang shooting nila para sa Alyas Robin Hood.

Ayon pa kay Dingdong, “Siyempre, sa panahon ngayon, maraming option ang manonood.

“May drama, may comedy, madalas maraming attempt sa action at isa sa pinakamahirap talagang buuin in terms of production.

“Kaya very happy ako personally na nakita niya at nakilala niya yung trabaho namin sa ganitong klase ng genre.

“And coming from him na talagang kilalang-kilala sa larangan ng action at nirerespeto, nagpapasalamat ako.”

Puwedeng sabihin na sila lang ni Coco ang nakapagpabalik ng interes ng mga manonood sa action-oriented shows.

Anong masasabi niya run?

Ani Dingdong, “Well, like I’ve said, maraming attempts.

“In the past, of course, GMA has ventured into telefantasya na action-driven din, so maraming-marami talaga.

“Siguro ngayon lang na-solidify na sumuwak talaga. Ito lang yung option, ito yung hinahandog.”

Aminado si Dingdong na nagsimula ang fantaserye nila na may ilang negatibong isyu dahil sa pagkukumpara nito sa U.S. TV serires na Arrow.

BILLBOARDS. Pero natawa rin si Dingdong nang tanungin namin siya at kung nakita na niya ang magkatabing billboard ng Arrow at billboard niya ng Bench.

Too funny. Well played @tv5manila

A photo posted by Mo Twister ???? (@djmotwister) on

“Oo, nakita ko yun,” natatawang sabi ni Dingdong.

“Sabi ko nga, gusto kong makilala yung nakaisip nun. Tawang-tawa 'ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEADING LADIES. Kinumusta rin namin si Dingdong sa dalawang leading ladies niya sa Alyas Robin Hood na sina Megan Young at Andrea Torres, lalo na si Andrea na talagang palaban pagdating sa kaseksihan sa fantaserye nila.

“Oo nga, e.

“Sabi ko nga, sobrang lucky ako dahil parehong mahuhusay ang kasama ko.

“Ibang klase talaga ang kanilang dedication sa kanilang craft,” pagpuri niya sa dalawa.

Yun nga lang, tila may mga tagahanga sila ni Marian na nagseselos lalo na at may mga kissing scenes siya sa parte ni Andrea.

“Wala naman akong nakakausap, nakakasalamuha na ganun.

“Pero generally, maganda yung mood at saka feel, wala naman akong natatanggap na ganun,” paglinaw niya.

CHRISTMAS PLANS. Samantala, sigurado na raw si Dingdong na hindi na talaga matutuloy ang orihinal na plano nila ni Marian na sa Spain sila magpa-Pasko.

“Hindi makakaya, e, dahil sa taping,” saad ni Dingdong.

“Yun ang original plan namin, para makilala sana ni Letizia ang lolo niya.”

Kinumusta naman namin kung ano ang plano nila ni Marian ngayong Pasko.

“Depende kung papayagan kami [magbiyahe], pero kung sakali, dito-dito lang siguro.

“Kung lilipad man kami, dapat hindi lalampas ng apat na oras, yung ganun.”

Sa ngayon daw, wala raw silang Christmas break talaga at tuluy-tuloy pa rin ang taping nila ng Alyas Robin Hood.

“Kung hindi kami magte-taping, walang mapapanood,” natawa niyang sabi.

2ND WEDDING ANNIVERSARY. Sa December 30 naman ang ikalawang anibersaryo ng kasal nila ni Marian.

Natawa si Dingdong dahil tila bigla nitong naalala ang espesyal na araw na yun sa kanila ni Marian.

“Oo nga ‘no?” natawang sabi niya.

“Parang puro Zia na lang. Siguro sabay-sabay na,” saad niya.

Pero tutuloy pa rin daw sila ng Spain para magbakasyon pagkatapos ng taping niya ng Alyas Robin Hood.

Napapanood na rin ba siya ng anak at alam na nito kapag pinapanood siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kunwari sa picture, alam niya na Mama at Papa,” saad niya.

“At saka, malayu-layo na rin ang nalalakad niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN