Sandara Park eyes more projects in the Philippines, South Korea in 2017

IMAGE Nikko Tuazon

Sandara Park announces that she will still do projects both in the Philippines and in South Korea. The K-pop star also promised that she will work hard on her career, following the disbandment of her group 2NE1. 


Nabuwag man ang K-Pop group na kinabibilangan ni Sandara Park, ang 2NE1, tiniyak ng tinaguriang "Pambansang Krung Krung" na gagawa pa rin siya ng mga proyekto sa Pilipinas at sa South Korea.

Ito ang inanunsiyo ng Korean superstar sa kanyang Instagram account nitong Linggo, December 11.

Isa si Sandara sa mga hurado ng Pinoy Boyband Superstar, kasama sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, at Vice Ganda.

Kagabi ginanap ang grand finals ng reality-based talent show na ito ng ABS-CBN.

Post ni Sandara: “Thank u so much for the good memories Pinoy Boyband Superstar!!!

“Thank u sa love & support niyo Blackjacks!!!" pagtukoy niya sa 2NE1 fans.

Dagdag pa niya, “Abangan niyo rin ang mga upcoming projects ko sa PH & in Korea next yr!!!

“I will work harder for all of u. I miss u already.”

Gayunpaman, hindi idinetalye ni Sandara kung ano ang mga proyektong gagawin niya.

Nakatakdang lumipad si Sandara sa South Korea ngayong Lunes, December 12.

Ayon sa isang source, posibleng doon na rin siya mag-Pasko.

Samantala, nagpasalamat din si Sandara dahil umabot na ng higit one million views ang kanyang performance sa first night ng live finale ng Pinoy Boyband Superstar noong Sabado, December 10.

Ito ang unang solo performance ni Sandara mula nang maiulat noong November na disbanded na ang grupong 2NE1.

Read: Sandara Park's first solo performance after 2NE1 breakup goes viral


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN