TV5 President and CEO Chot Reyes says Kris Aquino will be a big asset to Kapatid network

IMAGE Noel Orsal

Naniniwala ang bagong TV5 President at CEO na si Chot Reyes na malaking asset ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa istasyon, pero baka raw hindi nila kaya ang talent fee nito.


Naniwala ang bagong presidente at CEO (Chief Executive Officer) ng TV5 na si Chot Reyes na naging matagumpay pa rin ang National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo sa Davao City, noong November 11, kahit na hindi dumating ang panauhing pandangal na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing pagtitipon din kasi sana ang big comeback bilang host sa telebisyon ni Kris Aquino, ngunit naunsiyami ang one-on-one interview niya sa Pangulo dahil biglaang nagka-migraine ito.

Read: President Duterte snubs one-on-one interview with Kris Aquino

Pahayag ni Sir Chot, “Well, I think the event still went well.

“But of course, hindi nag-succeed yung blockbuster Kris Aquino-President Duterte interview. It didn’t happen.

“But maybe in the future.

“But like I said, we’re merely coverage lang naman there.

“We were just given the opportunity by Go Negosyo to cover.”

Prior to that, may idea na ba silang hindi darating ang Pangulo?

Tugon ng basketball coach-turned-network executive, “No. We were assured repeatedly na darating. At that time lang mismo na nasabi na hindi siya darating.”

Ipinaliwanag naman ni Pangulong Duterte ang dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa naturang summit. May pinuntahan pala siyang lugar na nahirapan silang makabalik kaagad sa Davao City.

Read: President Rodrigo Duterte reveals reason for skipping Kris Aquino interview

KRIS AQUINO ON TV5? Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media si Sir Chot sa intimate presscon nito ngayong Martes, December 13, sa isang restaurant sa Quezon City.

Kasabay ng presscon ang pag-anunsiyo ng mga bagong aabangang palabas sa Kapatid network sa 2017.

Bago pa man ang Go Negosyo summit, may mga lumulutang na balita na sa TV5 magbabalik-telebisyon si Kris.

Ngunit paglilinaw ni Sir Chot, “No. I think na-misunderstand lang ng mga tao.

"Kasi nung pinost nila yung Go Negosyo poster, siyempre nakalagay dun TV5. Maybe people assumed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nag-uusap naman daw sila ni Kris bilang matagal na silang magkakilala.

Aniya, “You know, we’ve been talking, general talks lang.

"I mean, kasi Kris and I, we personally known each other for a long, long time.

"Remember yung mga dating dini-date niya? Puro player ko dati."

Si Choy ay dating coach ng PBA team na Purefoods TJ Hotdogs, kung saan star player dati ang na-link kay Kris na si Alvin Patrimonio.

Naniniwala rin si Sir Chot na malaking asset si Kris kung sakaling maisip nitong lumipat sa kanila ngayong freelance talent na ito.

“Definitely, she will be an asset, but we will have to weigh up against the cost.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN