Donita Rose reveals reason why her husband left her

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose on her failed marriage: "The picture that I paint in my mind of what's supposed to be perfect and a great relationship would never happen because of the character flaws and character issues."


Nagbigay ng ilang detalye si Donita Rose tungkol sa dahilan ng tuluyang paghihiwalay nila ng mister niyang si Eric Villarama.

Ayon sa TV host-actress, hindi naging matagumpay ang pagsasama nila ng asawa dahil sa "character flaws" at "character issues."

Ipinahayag ito ni Donita sa kanyang interview sa Good Times With Mo Twister podcast nitong nakaraang linggo.

Nagsalita si Donita tungkol sa kanyang failed marriage nang payuhan niya ang isang male caller na nahihirapang maka-move on matapos makipag-break sa boyfriend dahil nahuli nito sa akto na may katalik na ibang lalaki.

Ayon kay Donita, kailangang patawarin muna natin ang ating sarili bago tayo makapag-move on.

Minsan daw kasi, ang kakulangan ay nasa karelasyon, gaya ng kaso ng caller.

“Sometimes it has got a lot to do with forgiving yourself,” sambit niya.

Pagbabahagi pa ni Donita tungkol sa kanyang failed marriage, kahit anuman ang ginawa niya noon, iiwan at iiwan pa rin siya ng asawa dahil sa pagkakaiba ng kanilang pagkatao.

“In my case, I did everything I thought I could.

"But why am I at the losing end of this deal because that person left me?

“Even if I had done things differently, this person would have left me anyway because it’s character issue,” saad niya.

CHARACTER ISSUES. Dugtong pa ni Donita, “I always play this back in my mind.

"Let’s say, if I have this tendency to miss my ex [husband] and go, ‘How I wish…’ And I erase things [wishful thinking].

"I erase things again and go, ‘No!’ because even if there is a chance, I would never go back to that again because of the character flaws.

“The picture that I paint in my mind of what’s supposed to be perfect and a great relationship would never happen because of the character flaws and character issues.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pahabol niya, “I’m not saying he was completely at fault.

"I’m just saying that we paint this dream picture in our mind of what a relationship is supposed to be like and sometimes we immortalize the person and we can’t seem to let go.

“And if he did this to you [cheating], he will do it again in the future.

"But really, there’s somebody out there better for you.

“Don’t look back anymore. Burn the pictures.”

Kinumpirma ni Donita ang paghihiwalay nila ni Eric noong July 2016 matapos ang 12 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Pero bago ang kanilang hiwalayan, on-and-off ang relasyon ng dalawa at sinubukan pa nilang ayusin ito sa loob ng dalawang taon.

Ikinagulat ni Donita nang mag-post ang estranged husband ng larawan na kasama ang bago nitong karelasyon.

Read: Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama after he posted photo with another girl


Stories We Are Tracking

Donita Rose takes a break from showbiz to heal broken heart
Donita Rose takes a break from showbiz to heal broken heart
Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama
Donita Rose admits separation from husband Eric Villarama
Donita Rose admits facing dilemma in her married life
Donita Rose admits facing dilemma in her married life


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN