Prince Stefan forgives Keanna Reeves: "Wala na yun, tapos na yun."

IMAGE Arniel C. Serato

Tinapos na ni Prince Stefan ang alitan nila ni Keanna Reeves. Mabait naman daw ang kanyang nakaaway na kaibigan at nagkaroon lamang daw sila ng hindi pagkakaintindihan.


Napatawad na raw ni Prince Stefan ang nakaalitang kaibigan na si Keanna Reeves.

Sa presscon ng bagong shows ng Sari Sari Channel ng Cignal TV ngayong Martes, December 13, sinabi ng aktor na para sa kanya ay tapos na ang naging hidwaan nila ng sexy comedienne.

Pahayag ng StarStruck alumnus, “Hindi pa kami nagkita ulit. Pero wala na yun, tapos na yun. Napatawad ko na si Keanna.”

Matatandaang nitong nakaraang Mayo ay nagkaroon ng alitan sina Prince at Keanna dahil sa isang pangyayari sa show nila sa South Korea.

Sa pamamagitan ng Facebook ay tinira ni Keanna si Prince at sinabihan ng "bakla."

Read: Keanna Reeves accuses StarStruck alumnus Prince Stefan of verbal assault, abuse

Ngayong matagal-tagal na rin ang pangyayari, sino ba talaga sa kanila ang may kasalanan?

Tugon naman ni Prince, “Ang tagal-tagal na nun. Ulitin pa ba natin?

“Wala, okay naman kami, nag-away lang kami.

"Mabait naman yun. Siguro may misunderstanding lang."

Mula nang ibuking siya ni Keanna sa Facebook ay tuluyan nang nagpakatotoo si Prince tungkol sa kanyang sexual preference.

Ngayon nga ay inamin na rin niyang may boyfriend siya sa katauhan ni Paolo Amores.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN