Patuloy pa ring nagpapagaling ang komedyanteng si Boobay, Norman Balbuena sa tunay na buhay, isang linggo matapos siyang makalabas ng ospital.
Na-confine sa intensive care unit ng isang pribadong ospital ang Kapuso comedian, sa loob ng halos isang linggo, dahil sa acute stroke.
Read: Boobay leaves hospital after stroke
Sa Instagram post ng partner niyang si Kent Juan Resquir noong December 10, makikitang masaya si Boobay nang dalawin siya ng isa sa mga malapit niyang kaibigan sa showbiz na si Sheena Halili.
Ayon pa sa isang post ni Kent, sumasailalim pa rin sa araw-araw na speech and physical therapy si Boobay para mas mapabilis at mapabuti ang kalagayan nito.