Mayor Lani Mercado gets sentimental over Bong's plunder case, father-in-law's hospitalization

IMAGE Gorgy Rula

Bacoor City Mayor Lani Mercado and her family will spend Christmas again at PNP Custodial Center, where her husband former Senator Bong Revilla Jr. is detained. Lani says, "This will be our third Christmas po namin [sa PNP Custodial Center]. Sana wala nang pang-apat. Wish namin na wala ng pang-apat. Parang awa na natin."


Hindi napigilan ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ang mapaiyak habang kinakanta ng Philippine Movie Press Club (PMPC) carolers ang Tagalog Christmas song na “Sana Ngayong Pasko” sa flag ceremony na ginanap sa Bacoor Government Center noong December 12.

“Thank you very much for making our December 12, Monday, flag ceremony joyful sa pamamagitan ng inyong mga wonderful Christmas songs.

“Aaminin ko na may isang awitin kayo na naluha ako, oo,” bungad ni Mayor Lani sa PMPC members pagkatapos mag-breakfast sa conference room sa second floor ng BGC.

Sa kanyang speech during the flag ceremony ay nabanggit na ni Mayor Lani ang tungkol sa naging desisyon ng Supreme Court na ibasura ang apela nilang i-dismiss ang kasong plunder laban sa kanyang mister at dating senador na si Ramon 'Bong' Revilla Jr.

Naiyak ba siya dahil sa naging desisyon ng Supreme Court na pumigil sa pag-asa nilang makasama si Bong na magdiwang ng Pasko sa labas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame?

“Opo,” malungkot na sabi ni Lani.

“Last Tuesday [December 6] binaba ng Supreme Court kasi ang paghatol nila regarding probable cause.

“So they decided na ituloy ang kaso despite of our request na dapat huwag na sanang ituloy.

“Pero wala dito yung kaso na nagre-request kami for bail.

“Yung tungkol sa probable cause, during the flag ceremony, kanina nabanggit ko na we were requesting the court na sana ay huwag nang ipagpatuloy ang kaso.

“Kaya lang na-rule out ng Supreme Court na ituloy ang kaso.

“So, we respect the decision of the Supreme Court justices. So, tuloy po ang kaso.

“Although the start of his cases will be… ano ‘to, case proper na, sa Sandiganbayan will be on January 17.

“Hanggang doon lang ako puwedeng magsalita tungkol sa kaso.

“It is still there, nasa Supreme Court pa rin yun. Hindi pa rin dinidinig siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BONG’S REACTION. Ano ang reaction ni Bong sa naging desisyon ng Supreme Court sa kaso niya?

Tugon ni Lani, “Malungkot siyempre…”

Ano ang reaksyon niya sa sinasabi ng iba na tila mahina ang kanilang abugado?

Pahayag ni Lani, “So far, kasi nagpalit na kami ng abugado.

“Ang abugado namin talaga ngayon is Atty. Mon Esguerra, he was formerly assistant… parang assistant secretary ng DOJ [Department of Justice].

“Kababayan din namin siya dito sa Cavite.

“Tapos, yun po, we’re talking to another lawyer this week.

“Saka ko na lang siguro babanggitin kung sino siya.”

Sa PNP Custodial pa rin ba sila magse-celebrate ng Christmas?

“Well, opo. Wala naman kaming choice, December 24, ayun.

“This will be our third Christmas po namin [sa PNP Custodial Center].

“Sana wala nang pang-apat. Wish namin na wala ng pang-apat.

“Parang awa na natin.”

LANI’S FATHER-IN-LAW. Maliban sa pagbasura ng Supreme Court sa apela nilang huwag nang ituloy ang kaso laban kay Bong, isa pa sa ikinalulungkot ngayon ng pamilya Revilla ay ang pagkaka-ospital muli ng ama ni Bong, ang dati ring aktor at senador na si Ramon Revilla Sr.

Pagbabalita ni Lani, “Si Daddy is in the hospital, noong Saturday po [December 10] dinala.

“Kaya wala si Konsehala Rowena [Bautista, Bacoor councilor, sister of Bong] dito.

“Saka may Christmas party din ang Sangguniang Panglungsod kaya hindi sila kumpleto ngayong umaga.”

Kumusta ang kalagayan ngayon ng kanyang father-in-law?

“Medyo naging critical siya noong Saturday, e.

"Pero ngayon nasa ICU pa rin. He’s under observation.

"We just asked for prayers again, for him.

"Pneumonia… yung detail hindi ko talaga alam. I have not read the medical certificate."

Eighty-nine years old na ngayon si Ramon Revilla, na nakilala sa agimat movies noong kasagsagan ng kanyang acting career.

BONG’S ORDEAL. Ayon kay Lani, sobrang lungkot ni Bong ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila nili-lift up ang spirit ng kanyang mister, lalo na ngayong Kapaskuhan?

Saad niya, “Well, talagang nakasubaybay kami.

“Every day, merong mga dumadalaw sa kanya. Hindi kinakaligtaan ng mga anak ko na merong pumupunta.

“Tuesday morning pa lang, before the decision, merong dumaang mga anak ko.

“His former staff members na kasama ko rin ngayon, tumutulong sa akin dito sa City of Bacoor pumupunta rin sa kanya.

“And marami, maraming pumupunta sa kanya na mga kaibigan.”

Sabi pa ni Lani, “Ngayon namin nalalaman yung mga tunay naming mga kaibigan kung sinu-sino.

“And one thing nice, magkasama sila ni Senator Jinggoy [Estrada], nag-aalalayan din sila. Nag-aalalayan yung magkaibigan.

“Oo, mas mahirap kung mag-isa lang siya doon.

“Tatlo silang nandoon, e, sa area na yun.

“Tapos, medyo nahirapan din kami for a while, kasi, di ba, there were news na doon ilalagay si Kerwin Espinosa?

“So, ngayon naman ‘ata ay hindi na.

“But there are certain restrictions now na in-implement nila.

“There are certain portions of the custodial center na hindi puwedeng pumunta si Senator Bong.

“So, limited yung space nila.

“Yun yung nire-request namin kung puwede bumalik sa dati na nakakapag-exercise siya.

“Kasi kailangan, hinahanap ng katawan niya ang exercise.

“Kasi mina-migrane siya. He needs fresh air.”

Kamakailan ay naospital si Bong dahil sa migraine niya.

Read: Bong Revilla Jr. rushed to hospital

MMFF. Kapag ganitong Kapaskuhan, nami-miss ba ni Bong ang Metro Manila Film Festival?

Bago na-detain si Bong sa PNP Custodial Center, dahil sa kasong plunder, palagi siyang may entry sa MMFF.

Saad ni Lani, “Ah, oo. Nami-miss niya actually.

“Kahapon, may dumalaw sa amin, bata. Fan niya [Bong].

“Bata pa lang yun at ang unang niyang pelikula na napanood ay Bong Revilla film.

“So, sabi niya, nami-miss niya yung mga pelikula ni Senator Bong, lalo na kami, kasi every Christmas may entry sa filmfest.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ikinalulungkot daw ni Lani na walang mga pelikulang pambata ngayong MMFF 2016.

Aniya, “Feeling ko, baka mamaya ang mga mamayagpag ay ang mga amusement parks ngayong Pasko, kasi Christmas is really for children.

“Baka kasi yung mga 13 years old and above lang ang puwedeng manood ng sine.

“Although sasamahan, pero siyempre ang mga magulang, gusto nila general patronage ang pinapanood ng kanilang mga anak, at sama-sama sila.”

Dagdag pa niya, “Nakaka-miss talaga yung mga panahon na may pelikula si Senator Bong.

“Sentimental po ang Pasko. Merong parade.

“Pero hindi pa rin, in our hearts, hindi pa rin nawawala yung kaligayahan ng Pasko.”

TRIALS. Saan siya kumukuha ng lakas sa mga pinagdadaanang pagsubok ng kanilang pamilya ngayon, lalo pa’t hindi lang siya ina ng mga anak nila ni Bong kundi siya rin ang tumatayong “ina” ng buong lungsod ng Bacoor?

Ayon kay Lani, “Kumukuha po ako ng lakas sa, of course, una sa Panginoon.

“Ikalawa, siyempre ang paghugot ng lakas, e, sa miyembro ng pamilya.

“Plus, makita ko lang yung saya, yung appreciation ng mga kababayan ko dito sa lungsod ng Bacoor, it is enough for me to continue my work.

“So, pasalamat ako na marami ang nagmamahal sa amin dito sa lungsod ng Bacoor at saka sa buong lalawigan na rin.”

Patuloy niya, “Siyempre si Vice Gov Jolo [Revilla, Lani’s son] has been the vice governor for the past two elections, at naniniwala ako na mahal na mahal pa rin kami dito sa lalawigan ng Cavite.

“And, of course, nationwide marami pa rin naman ang nagmamahal kay Senator Bong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN