Mark Anthony Fernandez pleads not guilty in drug case

IMAGE Grabbed from GMA News

Mark Anthony Fernandez pleads not guilty in the transportation of illegal drugs case filed against him. One kilogram of marijuana was allegedly discovered by the authorities inside the actor's car last October 3. 


Not guilty ang plea ng aktor na si Mark Anthony Fernandez sa kaso niyang transportation of illegal drugs.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Martes, December 13, dumating sa Angeles City Regional Trial Court para sa kanyang arraignment si Mark Anthony, na nakasuot ng uniporme ng detainee at kasama ang jail guards mula sa Pampanga Provincial Jail.

Kasama rin ng aktor ang kanyang abugado na si Atty. Sylvia Flores.

Tumagal ng tatlong oras ang arraignment at pagkatapos ay ibinalik na ang aktor sa provincial jail.

Nakatakda ang susunod na hearing sa kaso ni Mark Anthony sa January 18, 2017.

Inaresto si Mark Anthony dahil sa umano’y natagpuang isang kilo ng marijuana sa loob ng kanyang sasakyan sa Angeles City noong October 3.

Lumabas sa drug test na positibo siya sa marijuana, subalit negatibo sa shabu.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

Si Mark Anthony ay anak ng actress-politician na si Alma Moreno at ng yumaong action star na si Rudy Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN