Kean Cipriano looks forward to celebrating Christmas as a first-time dad

IMAGE Noel Orsal

Kean Cipriano on co-star Eugene Domingo: "Paborito ko siya kasi ang sarap kaeksena, very pure, very genuine, very generous when it comes to sharing the scene with us. Masaya katrabaho si Eugene."


Naiiba para kay Kean Cipriano ang Pasko ngayong taon dahil ito ang unang pagkakataong ipagdiriwang niya ito bilang isang ama.

Pero hindi pa raw mawari ng singer-actor ang totoong nararamdaman niya ngayong may baby girl na sila ng misis niyang si Chynna Ortaleza, si Stellar.

Sabi ni Kean, “I don’t know. I really don’t know.

"Kumbaga, that’s something I need to find out and experience.”

Ngayong buwan ang first anniversary nina Kean at Chynna bilang mag-asawa.

Ikinasal sila bago magtapos ang December 2015.

Read: Chynna Ortaleza and Kean Cipriano tie the knot

Anu-ano ang mga bagong natuklasan nila ni Chynna sa isa’t isa?

Tugon ng bokalista ng bandang Callalily, “A, marami. Marami talaga.

"I mean, hindi siya para…

"Every day, you get to know the person, you get to know how beautiful the person is and yung ano niya, being.

“Nakikita mo kung gaano ka-golden yung heart nung tao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmnet Portal) si Kean sa grand presscon ng Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough kahapon, December 15.

Ang nasabing pelikula ang official entry ng Quantum Films sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

HAPPY TO WORK WITH EUGENE AGAIN. Matapos ang halos anim na taon, nakatrabaho muli ni Kean ang aktres na si Eugene Domingo sa Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough.

Masasabing si Eugene ang nagbinyag kay Kean sa acting dahil ang Ang Babae Sa Septic Tank 1 ang kanyang unang pelikula.

Saad niya, "Sabi ko nga, e, si Eugene Domingo yung paborito kong aktres.

"Bukod sa fact na… una kong pelikula ito, e, Ang Babae sa Septic Tank 1.

"So, siya yung nag-inspire sa akin na parang gusto kong gumawa ng marami pang pelikula nang dahil sa kanya.

“Alam mo yun, dahil sa Septic Tank 1, I think subconsciously, ginuide niya ako, e, on a personal level.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paborito ko siya kasi ang sarap kaeksena, very pure, very genuine, very generous when it comes to sharing the scene with us."

Dagdag pa ni Kean, "Masaya katrabaho si Eugene."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN