Julia Barretto open to meeting baby of dad Dennis Padilla with live-in partner

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto invited her dad Dennis Padilla to watch Vince and Kath and James.


Kinumpirma ni Julia Barretto na kasama niya ang amang si Dennis Padilla na manonood ng pinagbibidahamn niyang pelikula, ang Vince and Kath and James, official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa presscon ng upcoming ABS-CBN primetime series na A Love To Last nung Huwebes, December 15, sinabi ng young star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na anumang di pagkakaunawaan ang namagitan sa kanilang mag-ama ay natuldukan na ngayong darating na Kapaskuhan.

“Actually, I asked him to work with me kasi, di ba, wala kaming premiere night?

"So, I texted him, I said if gusto niya to watch VKJ with me.

"Sabi niya, 'Oo naman,' so makakasama ko siya to watch VJK.

"Actually I’m excited, pero kinakabahan ako kasi first time niya akong makikitang mag-comedy, e, comedian siya.

"Excited din siya, and I feel like he’s proud of me."

Bukas din si Julia na makasama sa isang proyekto ang ama.

“Yes, sana comedy nga para masaya.”

Sa isang interview kay Dennis, nabanggit nito ang hiling niyang makilala nina Julia ang bagong silang na anak niyang babae sa live-in partner na si Linda Gorton.

Read: Dennis Padilla wishes kids with Marjorie Barretto to see their new sister this Christmas

Ayon kay Julia, bukas siyang ma-meet ang baby ng ama dahil kapatid naman niya ito.

“I found out that na kapapanganak lang yata last month.

"Sabi niya, I hope pag may time and all like that.

"Open? Of course naman, kapatid ko yun.”

PROJECTS. Kasama si Julia sa seryeng A Love To Last na mapapanood ngayong 2017, kung saan gaganap siya bilang isa sa mga anak nina Ian Veneracion at Iza Calzado.

“The last [series] was also this year, but then, when you have a long break, mami-miss mo rin.

"I always love doing teleserye, but I gained so much love while I am doing movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very, very excited and very grateful kasi binigyan ako ng pagkakataon uli to work with veteran actors and actresses I only dreamt to work with when I was really young."

Makakatambal dito ni Julia si Ronnie Alonte.

Sabi ng dalagang anak ni Marjorie Barretto, "I am very excited for Ronnie also, this is our first team-up on TV.

"I’m curious on how our chemistry on TV [will be].”

Nagkuwento rin ito tungkol sa kanyang role, “I’m Chloe, she's gonna be taking up her mother’s role because her mother left her family.

"She’s very protective of her father, she’s very strong din.

"Pero I’m just excited din kasi makikita natin yung magiging relationship niya with Ate Bea’s character kapag siya ang magte-take ng mother’s role namin."

Bukod sa taping ng A Love To Last ay abala rin si Julia sa promo ng Vince and Kath and James.

Masaya ang aktres sa magagandang feedback na naririnig nila tungkol sa pinagbibidahang pelikula.

“The last time was also this year, but then, when you have a long break, mami-miss mo rin.

"I always love doing teleserye, but I gain so much love while I am doing movies after Vince, Kath and James.

"So, sana, as much as possible, mapagsabay ang dalawa.

“Overwhelming and we’re very flattered na marami ang excited na mapanood ang movie.

"We all work hard...to make this film relatable and very nice to the audience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN