Irma Adlawan on replacing Nora Aunor in Oro: "It's not a personal issue, it's more of professional."

IMAGE Noel Orsal

Irma Adlawan on headlining the movie Oro: "The pressure is if the Filipino audience will come and watch, yun ang pressure namin. Kasi binatuhan na kami ng kilalang producer, I don't wanna name names, na 'Bakit kikita ba 'yang pelikula niyo wala naman kayong big stars.' Sabi ko, 'Wow, for a filmmaker you shouldn't be doing that. Walang ganyanan.'"


Wala raw isyu at problema sa pagitan nina Irma Adlawan at Nora Aunor.

Ito ang naging pahayag ni Irma kaugnay ng pagtanggap niya ng lead role sa pelikulang Oro, na originally ay para kay Nora.

Nagkaroon kasi ng isyu sa pagitan ni Nora at ng direktor ng pelikula na si Alvin Yapan, kaya napalitan ang Superstar kahit nakapag-shoot na ito ng ilang eksena.

Read: Oro producer, director clarify reasons why Nora Aunor was replaced by Irma Adlawan

Pahayag ni Irma, “Wala po, no issue [with Nora], none at all.

“As I’ve said, I’m a Noranian through and through, everybody knows that. I love her.

“Trabaho lang, walang personalan.”

Aware din daw siya sa nangyari bago pa niya tanggapin ang role.

“Oo naman, nagtanong talaga ako.

“Tinanong ko talaga sila kung ano ang nangyari.

“Sabi nila, sa kanila, it was nothing personal.

“Sabi ko pa sa kanila, ‘Totoo ba iyan? Huwag niyo akong ganyanin, Noranian ako, ha!’

“Well, it’s not a personal issue, it’s more of professional.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Irma sa presscon ng Oro, na ginanap noong Disyembre 17 sa Relish Hello Happiness restaurant sa Sct. Limbaga, Quezon City.

SECOND CHOICE. Wala rin daw problema kay Irma kahit second choice lang siya.

Saad niya, “Wala, walang isyu yun sa akin.

“At saka friend ko si Shandii [Bacolod, producer], tapos I’ve worked with Alvin sa first feature film niya, yung Ang Panggagahasa Kay Fe.”

May nararamdaman ba siyang pressure lalo na’t originally ay para kay Ate Guy ang ginampanan niyang role na Kapitana?

Ayon kay Irma, “The pressure is not that.

“The pressure is if the Filipino audience will come and watch, yun ang pressure namin.

“Kasi binatuhan na kami ng kilalang producer, I don’t wanna name names, na ‘Bakit kikita ba 'yang pelikula niyo wala naman kayong big stars.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Wow, for a filmmaker you shouldn’t be doing that. Walang ganyanan.’

“Sana naman huwag silang masyadong negative. Kailangan natin talaga ng unification.”

BOX-OFFICE SUCCESS THAN AWARD. Bagamat marami ang nagsasabing kabilang sa top contenders para sa Best Actress award si Irma, ayaw raw niyang mag-expect na mananalo siya.

Pahayag ni Irma, “Salamat, pero panoorin muna nila bago nila sabihing contender ako.

“Baka kasi ayaw nila. And I don’t expect to win.

“Kung ibibigay sa akin, I would be very grateful.”

More than the award, mas gusto raw ni Irma na kumita sa takilya ang Oro.

“Kasi this is an advocacy film, yung proceeds kasi nito mapupunta doon sa community.

“Matutulungan sila to continue on the case.”

Ang box-office success din daw ng pelikula ay nangangahulugan na marami silang taong mata-touch sa istorya upang maging eye-opener ito.

Pahayag ni Irma, “We will reach a wider audience.

“Kasi ang nangyayari ngayon because of all of these hulabaloos in the government, nagiging passive na ang ating citizens, e.

“Nakakarindi na, hindi mo na alam.

“Kaya yung sinabi ko kanina na ang dami ko nang eye-opener films na nagawa, pero wala pa ring nao-open, it’s very true, e.”

Ang Oro (Gold), na base sa tunay na mga pangyayari, ay isa sa walong official entries sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Tungkol ito sa community of miners na pinasok ng armadong grupo at pinatay ang ilang mga minero.

Ang Kapitana ng barangay (Irma) ay mangunguna sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan para mapanatili ang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.

Produced by Mark Shandii Bacolod for Feliz Film Productions, ang Oro ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula sa December 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN