Star Cinema not withdrawing Vince & Kath & James from MMFF 2016

IMAGE Star Cinema Instagram

Naglabas na ng official statement ang Star Cinema kaugnay ng usap-usapang iwi-withdraw nila ang kanilang entry na Vince & Kath & James mula sa MMFF 2016 dahil sa mungkahing 30% percent discount sa ticket prices.


Hindi magwi-withdraw ang Vince & Kath & James mula sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ang nilinaw ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, sa inilabas nilang official statement ngayong Martes ng gabi, December 20.

Bunsod ito ng usap-usapang nagbanta diumano ang Star Cinema na i-pull out ang kanilang official entry na Vince & Kath & James sa taunang film festival kapag itinuloy ng MMFF Execom ang desisyon nilang bigyan ng 30 percent discount sa ticket prices ang mga estudyante, senior citizens, at persons with disabilities (PWDs).

Tinalakay ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa artikulong nailathala Lunes ng gabi, December 19.

Read: Star Cinema's Vince & Kath & James to withdraw from MMFF if 30% discount pushes through

Kagabi rin ay sinubukan ng PEP na kunin ang panig ang Star Cinema tungkol sa isyung ito, ngunit tumanggi silang magbigay ng opisyal na pahayag.

Hanggang sa ngayong gabi ay nagdesisyon ang producer ng Vince & Kath & James na maglabas ng official statement sa pamamagitan ng Instagram:

"Contrary to rumors, Star Cinema is not withdrawing its entry Vince and Kath and James from the 2016 Metro Manila Film Festival. Rest assured that we are committed to provide the best in entertainment to the Filipino family this Christmas season."

#VinceandKathandJames is not pulling out of #MMFF2016

A photo posted by STAR Cinema (@starcinema) on

Kaugnay pa rin ng ticket-discount issue, nagdesisyon ang MMFF Execom na huwag na itong gawing mandatory kundi opsiyon na lang sa mga sinehan, ngunit mula lamang December 27 o dalawang araw pagkatapos magbukas ng official entries.

Ang Vince & Kath & James ay pinagbibidahan nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Ronnie Alonte.

Isa ito sa limang pelikulang nabigyan ng gradong A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang iba pa ay Ang Babae sa Septic Tank 2, Die Beautiful, Saving Sally, at Sunday Beauty Queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN