Vhong Navarro on forgiving Cedric Lee group: "Mahirap magpatawad sa taong hindi nagsisi sa mga ginawa nila."

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Vhong Navarro na tuwing uma-attend siya ng hearing ay nanariwa sa kanyang isipan ang nangyaring brutal na pambubugbog sa kanya ng grupo ni Cedric Lee noong January 22, 2014. Pero, kailangan daw niyang isantabi ito kapag nasa trabaho para sa mga taong naniniwala sa kanya.


Sa darating na Enero 22, eksaktong ikalawang taon na mula nang mabugbog ang actor-TV host na si Vhong Navarro.

Nangyari ang insidente sa condominium unit ni Deniece Cornejo sa The Fort, Taguig City, noong 2014, kung saan piniringan ang mga mata ni Vhong ng anim na lalaki, binugbog, at diumano'y hiningan pa ng pera.

Kalaunan, nakilala ang mga suspek na pinangungunahan ng negosyanteng si Cedric Lee.

Read: Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men

Ano ang nararamdaman ni Vhong kapag dumarating na ang Enero, bukod sa kanyang kaarawan?

Tugon niya, “Ayan, tatanda ka na naman kasi birthday ko January 4, e.”

Dahil hindi binanggit ni Vhong ang tungkol sa masaklap na insidenteng kinasangkutan niya , diretsong tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa kaso niya laban sa grupo ni Cedric.

Saad niya, “Ayun, patuloy pa rin naman.

"Tuloy pa rin naman yung mga kaso namin at yun din naman po ang hirap…

"Every time na pupunta kasi ako sa hearing, siyempre nababalik uli yung mga nangyayari sa akin noong nakaraan.

"Kaya hangga’t maari, itong magpa-Pasko, ayaw ko muna isipin yung mga ganung pinagdaanan ko sa buhay.

“Kasi, gusto ko ngayon maging happy kami ng mga anak ko; si Tanya, yung girlfriend ko; at yung family ko.

"Especially may lalabas akong pelikula this 2017, gusto kong maging good vibes dahil gusto kong ipakita sa mga manonood na kahit marami akong pinagdaanang personal sa buhay, kaya ko silang pasayahin.

“Kumbaga, mas iintindihin ko yung mga taong naniniwala sa akin.

"Kaya nga siguro buhay pa ako, e. Meron pa akong misyon.

"Siguro, yung misyon na yun ay para magpasaya ng tao."

Napatawad na ba niya ang mga taong nanakit sa kanya?

Sagot ng It’s Showtime host, “Alam mo, mahirap magpatawad sa taong sila rin, e, hindi nagsisi sa mga ginawa nila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP at ilan pang media si Vhong sa grand presscon ng pelikulang kanyang pinagbibidahan, ang Mang Kepweng Returns, na ginanap kagabi, December 21, sa isang restaurant sa Quezon City.

BLESSING IN DISGUISE? Sa kanyang kaarawan mismo sa January 4, 2017 ang playdate ng Mang Kepweng Returns.

Hindi nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula kaya ginawa na lamang pambungad sa bagong taon ang pagpapalabas nito.

Pero para kay Vhong, baka blessing in disguise ito.

Dagdag pa niya, “Yun nga ang sinasabi ko lagi, sabi ko, 'Parang hindi talaga tayo sa December 25.'

"At naging maganda nga yung resulta ng playdate namin dahil mismong kaarawan ko.

"Kaya happy naman ako dahil maganda ang pasok ng 2017, parang birthday gift.

“At maganda rin yung playdate kasi, yun nga, nabawasan yung puwede nating makasabay na alam nating malalaking pelikula at malalaking artista yung mga nandoon.

"At least ito, solong-solo natin yung January 4.”

Bukod kay Vhong, kasama rin sa pelikula sina Jaclyn Jose, Kim Domingo, Louise delos Reyes, Sunshine Cruz, Juancho Trivino, James Blanco, Valeen Montenegro, at Balang.

Ang direktor ng pelikula ay si GB Sampedro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN