JM de Guzman: "I'm recovering, well, and happy."

IMAGE Instagram (@1migueldeguzman)

JM de Guzman gives fans an update about his condition: "I'm fine, I'm good, I'm recovering, well and happy."


Isang maiksing Christmas message ang ibinahagi ni JM de Guzman sa pamamagitan ng social media.

Nagbigay rin siya ng update sa kanyang kalagayan ngayon.

Pahayag ng aktor, “Merry, Merry Christmas and a Happy New Year.

I’m fine, I’m good, I’m recovering, well and happy.

“Be back soon.”

Kasamang ipinagdiwang ni JM ang Pasko ang kanyang pamilya, base na rin sa Instagram posts ng aktor.

Merry Christmas! #deguzman

A photo posted by Juan Miguel de Guzman (@1migueldeguzman) on

Kamakailan ay ipinost ni JM ang ilang bahagi ng kanyang intimate performance sa isang musical play na dinaluhan ng pamilya niya.

Read: JM de Guzman returns to acting via musical play

Pansamantalang nagpaalam si JM sa showbiz noong 2015 dahil sa personal na problema.

Ang kanyang pinakahuling major project ay ang teleserye ng ABS-CBN na All Of Me (2015).

Samantala, dalawang pelikula umano ang nakatakdang gawin ni JM para sa kanyang showbiz comeback.

Isang horror movie na ididirek ng Italian director na si Paolo Betola at isang action movie na ididirek ni Brillante Mendoza, ayon sa ABS-CBN News Online.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN