Karylle on mom Zsa Zsa Padilla's love life: "She is super-duper blooming."

IMAGE Noel Orsal

While Karylle evaded questions about her mom Zsa Zsa Padilla's rumored reconciliation with architect Conrad Onglao, the singer-actress admits that the Divine Diva is blooming nowadays. 


Hindi man tahasan, ngunit malinaw ang mga naging sagot ni Karylle tungkol sa estado ngayon ng love life ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng press si Karylle nitong Martes, January 3, sa press conference ng kanyang crime-thriller TV series sa Singapore, ang Private Investigator (P.I.).

Nang usisain ang It’s Showtime host kung magkasama ba si Zsa Zsa at ang architect na si Conrad Onglao nitong New Year, makahulugang sagot ni Karylle, “I’m not at liberty to say, but you can always check the Insta stories.

“But if you didn’t check it within 24 hours, sorry [the post will disappear].

“I’m trying not to say so much because siguro my mom wants to be the one to speak for herself.

“But siguro, what I can say, I love my family... each and every member.”

Dagdag pa ng singer-actress, “Parang yung pinapanood ko ngayon, it’s a modern family, but it’s growing and it’s a wonderful family.”

Sundot na tanong ng PEP: Masaya ba ang kanyang ina ngayon?

“From her photos, you can always tell when she is super-duper blooming,” nakangiting sagot ni Karylle.

Naibalita ang muling pagkakaayos nina Zsa Zsa at Conrad noong October 2016, matapos mapaulat ang kanilang paghihiwalay noong May 2016.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao together again, says report


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla spends Christmas with Conrad Onglao
Zsa Zsa Padilla spends Christmas with Conrad Onglao
Karylle mum on rumored reconciliation of Zsa Zsa and Conrad
Karylle mum on rumored reconciliation of Zsa Zsa and Conrad
Zsa Zsa Padilla: It's not bad to move on in life.
Zsa Zsa Padilla: It's not bad to move on in life.
Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao together again, says report
Zsa Zsa Padilla, Conrad Onglao together again, says report

Tinanong din si Karylle kung mayroon bang ikakasal sa kanyang pamilya ngayong 2017.

Tugon niya, "Di ko alam. Wala naman yata. Wala pa naman."

Nakatakda sanang ikasal sina Zsa Zsa at Conrad noong December 2016, subalit nagkahiwalay sila noong Mayo.

Ngayong nagkabalikan na sila, wala pa namang ibinibigay na detalye si Zsa Zsa kung matutuloy na ulit ang naudlot na kasalan.

Sinabi rin ni Karylle na kasalukuyang nagbabakasyon ang kanyang ina sa dream destination nito, ang Israel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My mom she’s on vacation now. It’s one of her dreams to get to visit the Holy Land so she’s praying every day.”

READY TO HAVE A BABY. Samantala, sinabi ni Karylle na handa na sila ng kanyang mister na si Yael Yuzon, SpongeCola vocalist, na magkaroon ng baby.

“I think hindi naman puwedeng i-plan, but we’re ready. We are definitely ready,” paniniyak ni Karylle.

Dagdag niya, “Siguro, if there was one project that was that we had to finish, it was my project in Singapore, so that’s finished naman na.”

Ang tinutukoy ni Karylle ay ang Private Investigator, ang ikatlong Singapore-based TV project na ginawa nya.

Nauna na rito ang The Kitchen Musical noong 2011 at Point of Entry noong 2012.

Ipalalabas ang Private Investigator sa Singapore Channel 5 simula January 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN