Patuloy na inuulan ng batikos ang 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Oro dahil sa pagkatay ng aso sa isang eksena sa pelikula.
Read: Oro filmmakers under fire for "killing a dog" in the movie
Isa ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa nagpahayag ng kanyang pagkadismaya tungkol sa isyu.
Ngayong Martes, January 3, ni-repost ni Heart ang Instagram post ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), kung saan makikita ang litrato ng asong kinatay para sa pelikula.
Sa dulo ng Instagram post, ibinahagi ni Heart ang kanyang saloobin tungkol sa nasabing isyu.
Kinondena niya ang pagpatay sa aso kahit ito'y para sa sining pa.
Pahayag ni Heart, "Nakakahiya at nakakagalit. A life is a life and should never be trivialized for the sake of art or what have you. Such a shame!!!"
Kahapon, January 2, ipinahayag ng executive director ng PAWS na si Anne Cabrera ang kanilang balak na sampahan ng kaso ang mga gumawa ng Oro dahil sa pag-violate ng mga ito sa Republic Act No. 10631 o Animal Welfare Act.
Ngayon araw, pormal na ring binawi ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence na iginawad sa Oro dahil sa nasabing isyu.
Read: MMFF withdraws FPJ Excellence Award given to Oro over dog-slaughter controversy
