Ken Chan still mourns German Moreno's passing

IMAGE Noel Orsal

Ramdam daw ni Ken Chan na ginagabayan pa rin siya hanggang ngayon ng namayapang manager niya na si German 'Kuya Germs' Moreno. Pumanaw si Kuya Germs noong January 8, 2016.


Sa Linggo, January 8, ang unang anibersaryo ng kamatayan ni German "Kuya Germs" Moreno.

Pumanaw ang Master Showman sa edad na 82 dahil sa cardiac arrest, madaling-araw ng January 8, 2016.

Read: Master Showman German "Kuya Germs" Moreno dies at 82

Ayon sa isa sa dating alaga ni Kuya Germs na si Ken Chan, nararamdaman niya ang labis na pangungulila sa ama-amahan lalo na sa mga espesyal na okasyon, katulad na lamang sa idinaos na New Year Countdown ng GMA Network nitong December 31, 2016.

Kuwento ni Ken, “Unang-una, noong nag-Countdown, lagi si Tatay kasama sa Countdown, e.

“Siya yung nagka-countdown talaga. Siya yung bumibilang ng 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1.

“Kaya nung nag-countdown ako, parang dun ko naramdaman yung wala yung presence niya.

“Dun ko naramdaman yung parang, ‘Asan si Tatay? Dapat nandito ka.’”

Pero kahit hindi na niya kasama physically ang talent manager, ramdam pa rin daw ni Ken ang paggabay nito sa kanya.

“Nung sinalubong ko yung 2017, masaya, pero may halong lungkot dahil unang taon na wala si Tatay, na hindi namin kasama.

“And, honestly, nandito pa din, sariwa pa din yung [sakit]… hindi lang ako kundi yung mga nakasama ni Tatay na nagmahal talaga sa kanya.

“Pero alam kong tinutulungan kami ni Kuya Germs na iwala yung sakit na naramdaman namin.

“Nung nawala siya, mas naramdaman namin yung presence niya dahil alam ko na nandiyan pa rin siya bilang tatay-tatayan namin, ramdam ko.

“Kahit ako, sarili ko, personal, nagiging manager pa rin siya sa akin kahit wala na siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa grand presscon ng Meant To Be, ang pinakabagong primetime series ng Kapuso network na magsisimula nang umere sa January 9.

Ginanap ang presscon sa Victoria Sports Complex, South Triangle, Quezon City, nitong Martes, January 3.

KEN AS YUAN LEE. Kahit may bahid pa ring kalungkutan ang pagpasok ng bagong taon, masaya na rin kahit papaano si Ken na kasama siya sa pambungad na palabas ng Kapuso network ngayong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ken ang gaganap bilang isa sa apat na leading men ni Barbie Forteza sa primetime series na Meant To Be.

Sabi ng 23-year-old actor, “Ako dito si Yuan Lee, half Chinese-half Filipino.

“Parang sa totoong buhay din, ganun din ako [half-Filipino, half-Chinese].”

Pagpapatuloy niya tungkol sa kanyang role, “Bad boy na maldito na pilyo, pero ang question dito ay paano nga ba mapapaibig ng isang pilyong binata ang isang simpleng babae.”

Magiging karibal niya sa puso ni Barbie, sa role na Billie, sina Jak Roberto bilang Makoy dela Cruz, Ivan Dorschner bilang Ethan Hughes, at Addy Raj bilang Jai Patel.

Ang Meant To Be ang papalit sa timeslot ng Someone To Watch Over Me, na magtatapos na sa Biyernes, January 6.


Stories We Are Tracking

<strong>PEP YEARENDER 2016:</strong> Stars we lost in 2016
PEP YEARENDER 2016: Stars we lost in 2016
Kuya Germs memorialized by Sanya, Jak, Hiro
Kuya Germs memorialized by Sanya, Jak, Hiro
Jak Roberto, Sanya Lopez remember Kuya Germs on his birthday
Jak Roberto, Sanya Lopez remember Kuya Germs on his birthday


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN