Masaya si Zsa Zsa Padilla sa pakikipagbalikan niya sa arkitektong si Conrad Onglao, at sinabing marami silang plano ngayong 2017.
Ito ang ibinahagi ng Divine Diva sa kanyang Instagram post nitong New Year.
Sa nasabing Instagram post, kung saan kasama niya sa larawan ang tatlong anak na sina Karylle, Nicole, at Zia, inalala ng singer-actress ang mga pinagdaanan niya noong 2016.
“It was some year for me—if you know what I mean, but I survived the ups and downs, thanks to all of you,” bahagi ng caption ni Zsa Zsa.
Nakatakda sanang magpakasal sina Zsa Zsa at Conrad noong December 2016, subalit nagkahiwalay sila noong Mayo 2016.
Nagkabalikan naman sila noong Oktubre, ngunit hindi na natuloy ang kasal.
Pagpapatuloy ni Zsa Zsa, “I am grateful to God for all the lessons I've learned in 2016.
“It also brought me closer to my family in Las Vegas. And I'm grateful to all of them.
“I'm happy to be reunited with my love and we plan bigger things for us in 2017.”
Binati rin ni Zsa Zsa ang kanyang mga tagasuporta at pinasalamatan ang mga kaibigang dinamayan siya noong nakaraang taon.
Si Zsa Zsa ay kasalukuyang nasa isang pilgrimage sa Israel, na dream destination niya.
Samantala, sinabi ni Karylle sa presscon ng kanyang upcoming Singapore-based TV show kahapon, January 3, na blooming ang kanyang ina ngayon, na tila kumpirmasyon na masaya ang Divine Diva.
Read: Karylle on mom Zsa Zsa Padilla's love life: "She is super-duper blooming."
