Sunshine Dizon withdraws charges against estranged husband Timothy Tan; will file for annulment

IMAGE Gorgy Rula

Sunshine Dizon on moving on after withdrawing her cases against estranged husband Timothy Tan: "Masakit pa din, kasi siyempre I never imagined that this will happen, na parang isang iglap, dahil lang sa isang tao, di ba? Ang daming buhay na nasira, ang daming pamilya ang nawasak. Masakit, pero ipasa-Diyos ko na lang."


Iniurong na ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang dalawang kasong isinampa niya laban sa estranged husband na si Timothy Tan.

Dumulog si Sunshine sa tanggapan ni Senior Prosecutor Fabinda K. delos Santos ng Quezon City Hall of Justice, nitong Huwebes ng hapon, January 5.

Kasama ang kanyang abugadong si Atty. Rezza Singzon, isinumite ni Sunshine ang Affidavit of Desistance sa mga kasong Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) o R.A. 9262 at concubinage laban kay Timothy, pati na sa naugnay na babae ritong si Clarisma Sison.

Pagkatapos niyang pirmahan at sumpaan ang affidavit, nagpaunlak si Sunshine ng panayam sa media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa labas ng QC Hall of Justice.

Pahayag ng Ika-6 Na Utos actress, “We’re dropping all the cases against my ex-husband Timothy Tan.

“Ang masasabi ko lang is, ultimately I’m a mother, it’s sad that I won’t be able to give my children exactly what they want.

“Masakit yun sa aking mga anak na hindi ko na kayang ibigay yung dati at buuin yung pamilya namin.”

Gumaralgal na ang boses ni Sunshine nang ipinagpatuloy ang pagbibigay ng pahayag.

Aniya, “Ang pinaka-puwede ko lang mabigay ay yung gawan ko ng paraan na hindi masira yung relasyon ng anak ko sa tatay nila.

“So, that’s why we filed the desistance.”

FILING FOR ANNULMENT. Ngunit nilinaw ni Sunshine na hindi pa tapos ang laban niya.

Saad niya, “I think I owe it to myself already to be free of all these.

“I’m also filing na din for annulment.”

Dagdag ng aktres, “Marami pong bagay sa buhay na kailangan nating tanggapin na hanggang dun na lang talaga.

“Ang importante sa akin ngayon is ma-save ko yung konting maibibigay ko sa aking mga anak.”

Inamin ng 33-year-old actress na hinihiling ng mga anak nila ni Timothy na magkabalikan sila, pero hindi na raw nila kaya itong ibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My children are really asking na… you know, go back to how it was before. But I cannot give them that.

“In-explain ko lang na hindi na katulad ng dati, pero hindi naman nagbabago dahil daddy pa rin nila si Tim, mommy pa rin nila ako, family pa rin kami.

“Yun lang, hindi na katulad ng dati,” lumuluha niyang pahayag.

Hindi itinanggi ni Sunshine na nagkakausap sila ni Timothy, pero tungkol lang daw sa mga bata.


Stories We Are Tracking

Timothy Tan issues public apology to Sunshine Dizon
Timothy Tan issues public apology to Sunshine Dizon
Sunshine Dizon quashes reconciliation rumors
Sunshine Dizon quashes reconciliation rumors
Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court
Clarisma Sison faces Sunshine Dizon and Timothy Tan in court
Sunshine Dizon readies herself for legal battle vs husband
Sunshine Dizon readies herself for legal battle vs husband

PUBLIC APOLOGY. Ayon kay Sunshine, aware si Timothy sa gagawin niyang pag-atras ng kaso.

Nilinaw naman ng aktres na hindi ito kundisyon sa inilabas na public apology ni Timothy.

Read: Timothy Tan issues public apology to estranged wife Sunshine Dizon

Saad ni Sunshine, “I would like to believe na ginawa ni Timo ‘yan, na na-realize niya ang pagkakamali niya.

“I want to believe that that was the purpose.

“I see him with his children… na yun nga, e. Masakit para sa akin na hindi ko kayang ibigay ang gusto ng mga anak ko.

“Ito na lang siguro ang puwede kong gawin bilang ina.”

CLARISMA SISON. Iniwasan naman ni Sunshine na pag-usapan si Clarisma, ngunit itinanong na rin ng PEP sa kanya kung damay ito sa pag-drop niya ng mga kaso.

Sagot niya, “I was told by my lawyer not to say anything muna. Malalaman niyo naman.

“Marami pa kaming hakbang na gagawin. Hindi pa kami tapos.

“Ang tinatapos ko lang today, ang kasong inilaban ko kay Tim.”

Hindi rin niya sinagot ang tanong namin kung totoong may isasampa siyang hiwalay na kaso kay Clarisma.

“Malalaman niyo rin naman lahat yun,” pakli ni Sunshine.

MOVING ON. Aminado rin ang aktres na kahit sinasabi niyang kailangan niyang mag-move on, hindi pa rin daw niya kaya sa ngayon na magpatawad.

“Masakit pa din, kasi siyempre I never imagined that this will happen, na parang isang iglap, dahil lang sa isang tao, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming buhay na nasira, ang daming pamilya ang nawasak.

“Masakit, pero ipasa-Diyos ko na lang.”

Dagdag ni Sunshine, “Hindi ko alam kung ano ang magiging epekto nito sa mga anak ko.

“Napakaliit pa ng mga anak ko, na-experience nila ito dahil lang sa isang babae, di ba?

“I don’t know. I really don’t know.

“But, for sure, I will never forget. I will never forget.”

TIMOTHY’S REACTION. Tinawagan ng PEP si Timothy upang hingan ng pahayag, pero kailangan pa raw nitong alamin ang lahat ng developments.

Alam daw niya ang tungkol sa ipa-file na Affidavit of Desistance ni Sunshine, pero hindi raw niya alam ang ibang detalye, kagaya ng annulment na nakatakdang i-file ng kanyang asawa.

Matipid na pahayag ni Timothy, “Ang masasabi ko lang, na-appreciate ko naman po ang ginawa niya.

“Masaya ako na mawawala na yung stress na araw-araw ko ito iniisip.

“Hindi naman mababago. Tatay pa rin ako ng mga anak namin.

“Tama naman po, pamilya pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN