Ara Mina to resume work in Pinulot Ka Lang Sa Lupa after talking with production heads?

IMAGE Noel Orsal

"Nakapag-usap na kami," ito ang maiksing mensaheng ipinadala ni Ara Mina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Lunes, January 9, nang kumustahin namin tungkol sa kanyang pagkalas sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa ng GMA Network noong Biyernes, January 6.


Burado na ngayon sa Instagram ni Ara Mina ang "I quit" post niya noong Biyernes ng gabi, January 6.

Ito ay tungkol sa pagkalas niya sa upcoming drama series ng GMA Network na Pinulot Ka Lang Sa Lupa dahil sa sama ng loob sa production staff.

Bahagi ng kanyang post: “Just recently, na-experience ko ang siguro pinaka-disappointing na pangyayari sa career ko. I have never felt slighted and devalued like how I am feeling right now.

“And it's because of this one show that I committed myself to. Na akala ko mabibigyan ng halaga yung commitment ko and my value as an actress, which I believe is not so much for me to ask.

“Yes, I need to work. I am a single mother. But, I cannot allow them to devalue me any further. There are surely better people to work with. Therefore, I quit!”

Read: Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa: "I cannot allow them to devalue me any further."

Ilang beses humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng statement mula sa GMA Corporate Communications, pero hinihintay pa rin daw nila ang pahayag mula sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa production.

Hanggang ngayong araw, January 9, wala pa ring pahayag mula sa drama unit ng GMA-7.

ALL’S WELL THAT ENDS WELL? Ngayong hapon, nakatanggap ang PEP ng isang maiksing mensahe mula kay Ara sa pamamagitan ng text messaging.

Sabi niya: “Nakapag-usap na kami.”

Maliban dito ay walang ibang detalyeng ibinigay ang aktres kung naayos na ang hindi nila pinagkaintindihan ng produksiyon.

Sinubukan naming tawagan si Ara, ngunit ang sabi niya ay nasa shooting siya at kasalukuyang may ginagawang eksena.

Ang pagbura kaya ni Ara sa kanyang Instagram post ay bunsod ng nangyaring pag-uusap sa pagitan niya at ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa production heads?

Ia-update namin ang artikulong ito sakaling makakuha kami ng iba pang detalye tungkol sa nangyaring pag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN