Mocha Uson teary-eyed in her oath-taking as MTRCB board member

IMAGE Cyrus Panganiban for YES!

Mocha Uson on her appointment as MTRCB board member: "Tagumpay ito ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino, lalo na ng mga ka-DDS [Duterte Die-hard Supporters], dahil kami ay minamaliit ng ibang tao, pero nabigyan ng pagkakataon na manilbihan."


Naiyak daw ang sexy singer-turned-blogger na si Mocha Uson ilang minuto bago ang oath-taking ng mga bagong opisyales ng gobyerno, sa Malacanang, ngayong Lunes, January 9.

Si Mocha ay naitalaga bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong January 3, 2017.

Read: Mocha Uson named MTRCB board member


Stories We Are Tracking

Mocha Uson ignores critics of her MTRCB appointment
Mocha Uson ignores critics of her MTRCB appointment
Celebs react to Mocha Uson MTRCB appointment
Celebs react to Mocha Uson MTRCB appointment
Sen. Tito Sotto gives thumbs up to Mocha's MTRCB appointment
Sen. Tito Sotto gives thumbs up to Mocha's MTRCB appointment

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mocha ilang oras matapos ang kanyang panunumpa sa Malacanang, sa harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong naluha siya dahil hindi raw niya inakalang darating ang araw na ito sa kanyang buhay.

Lahad niya, “Naluha ako, naiyak ako kanina.

“Naiyak ako dahil ang isang ordinaryong mamamayan na tulad ko ay nakapasok sa Malacanang, nabigyan ng pagkakataon na manilbihan sa gobyerno.

“At tagumpay ito ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino, lalo na ng mga ka-DDS [Duterte Die-hard Supporters], dahil kami ay minamaliit ng ibang tao, pero nabigyan ng pagkakataon na manilbihan.”

Ano ang naramdaman ni Mocha na nakasalamuha niya ang maraming kawani ng gobyerno sa oath-taking nila kanina?

Tugon nya, “Katulad sa speech ni Pangulong Rodrigo Duterte, sabi niya, 'Dahil andiyan na kayo, appointed na kayo, huwag niyo pahirapan ang taong-bayan. Andito tayo para manilbihan.'

"So, kanina, pantay-pantay ang tingin sa bawat appointees. Walang mataas, walang mababa, lahat kayo nandiyan para manilbihan sa bayan.”

Makakasama ni Mocha bilang bagong board members ng MTRCB sina Bibeth Orteza at dating MTRCB Chairman Consoliza Laguardia.

Bukas, January 10, ay magkakaroon ng orientation si Mocha sa tanggapan ng MTRCB.

Sa exclusive interview din ng PEP kay Mocha nitong nakaraang Biyernes, January 6, sinabi niyang ang pagtanggal sa mga "soft porn" na eksena sa mga palabas sa TV ang kanyang pangunahing tututukan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Mocha Uson to critics of her MTRCB appointment: "Mag-move on na kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN