Robin Padilla thankful to US Embassy for granting visa to Mariel's nanny

IMAGE Allan Sancon / @marieltpadilla on Instagram

Hindi man nabibigyan ng U.S. visa hanggang ngayon, nagpasalamat pa rin si Robin Padilla na naaprubahan ang visa application ng kanilang kasambahay na ngayon ay nasa Amerika na at katulong ng asawang si Mariel Rodriguez-Padilla sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Maria Isabella.


Hindi pa rin nabibigyan ng U.S. visa si Robin Padilla kahit nagawaran na siya ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong November 15, 2016.

Read: President Rodrigo Duterte grants absolute pardon to Robin Padilla

Ito ang dahilan kaya hindi pa rin siya makakalipad papuntang Amerika upang makapiling ang asawang si Mariel Rodriguez at ang bagong-silang nilang anak na si Maria Isabella.

Ganunpaman, nagpapasalamat pa rin ang aktor na nabigyan ng US visa ang kanilang kasambahay, na itinuturing na rin ni Mariel na kapatid.

Nakalipad na ang nasabing kasambahay nina Robin sa Amerika, at katulong na nito si Mariel sa pag-aalaga sa kanilang anak sa Delaware.

Sa kanyang post sa Instagram kahapon, January 9, sabi ni Robin, “Hindi man ako napagkalooban ng US visa ay naging parehas pa rin ang mga taga US embassy at pinayagan at binigyan ng US visa si @analynmabao na siyang tumayong tunay na kapatid at kapanalig ni @marieltpadilla sa lahat ng aspeto at nagsilbing pangalawang ina ng aming anak na si isabella. Masaya ako para sa iyo kumareng analyn.”



Sinabi naman ni Robin sa kanyang followers na darating din ang panahong mabibigyan siya ng visa upang malayang makapunta ng Amerika at makapiling ang kanyang mag-ina.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN