FDCP Chairperson Liza Diño bares new findings on Oro animal-rights violation probe

IMAGE Jocelyn Dimaculangan

FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra explains rationale for spearheading the probe into the animal-rights violation case filed by PAWS against Oro producers, amidst the dog-killing scene in the movie: "We did the inquiry because we want to get the truth. And I would just want to say na nakuha namin yung sagot na hinihingi namin kaya kami gumawa ng mga desisyon..."


Ngayong naisampa na ng grupo ng Philippine Animal Welfare Society—o mas kilala bilang PAWS—ang kasong animal-rights violation laban sa ilang tao ng pelikulang Oro, hinihintay na lang daw ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ipatawag ito ng korte.

Sinabi ni FDCP Chairperson Liza Dio na handa silang magbigay-linaw sa kasong ito.

Read: FDCP Chairperson Liza Dio reacts to Oro actress Irma Adlawan's statement

Ayon kay Liza, may mga bagong impormasyong na-reveal sa ginawa nilang inquiry nung nakaraang January 2.

“Merong mga na-reveal sa inquiry namin na talagang… I’m leaving it up to the court.

“Kung kailangan ng kooperasyon namin, kung halimbawang i-subpoena kami ng korte, na kailangan magbigay ng…

“Kung halimbawang it comes to that point the court will ask that, I don’t think…

“Ako, in my my opinion, of course, kailangang pag-usapan namin ‘to.

“I think the MMFF Executive Committee should cooperate, kasi batas ‘tong pinag-uusapan natin.

“Hindi tayo puwedeng gumawa ng desisyon nang ganun-ganun lang na hindi natin sinusunod yung batas.”

Sinundan namin ng tanong kung ano itong mga na-reveal, ngunit hindi na nagdetalye ang FDCP Chair.

Basta nasa katotohanan lang daw sila, at willing daw siyang humarap sa korte kung kinakailangan.

“We did the inquiry because we want to get the truth.

“And I would just want to say na nakuha namin yung sagot na hinihingi namin kaya kami gumawa ng mga desisyon tungkol sa mga ginawa naming hakbang...

“Na halimbawa, na-ban yung director, na-ban yung producer, it’s because of what came out of the inquiry,” saad ni Liza.

Nilinaw na rin ng aktres na hindi raw ito pangsasawsaw na naman.

NOT RIDING ON THE ISSUE. Maaring madaldal lang daw siya, pero nagsasalita raw siya ayon lang sa nasasaklawan niya bilang FDCP Chairperson at miyembro na rin ng Executive Committee ng MMFF 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang trabaho ng FDCP is to make sure that we have a healthy film industry.

“So, ako siguro, kung sinasabi nilang nakikisawsaw ako sa mga isyu, yung isang sinasawsawan ko ay mga bagay na kabilang ako at kabilang ang industriya,” pagtatanggol niya sa sarili.

“Mahirap din, dahil may magsasabing wala kang ginagawa, wala kang silbi.

“So, I can’t please everyone.

“Alam ko lang sa sarili ko na nagtatrabaho ako, nagri-respond ako sa mga kailangan kong tugunan.

“Nakakatawa nga kasi, [sa] lahat nata-tag ang FDCP ngayon.

“Nagkaroon ng problema sa aircon sa Ayala, sagutin ng FDCP 'to.

“Nagkaroon ng problema sa projector sa SM, ano ang masasabi ng FDCP dito?

“Hindi na namin saklaw yun.

“Kumbaga, siguro puwede akong maging tulay para iparating sa mga kinauukulan, pero I don’t see it as under my office,” natatawa niyang pahayag.

JUST DOING HER JOB. Pero inamin din ni Liza na nasasaktan siya sa ibinintang sa kanyang sawsawera siya.

“Siyempre, I’m here to work,” pakli nito.

“ As long as sincere ako sa intensiyon ko na makatulong at gawin ko lahat.

“Kaya ako ganito na talagang kumikilos talaga ako kasi personal sa akin.

“Kumbaga, apektado ako, hindi lang sa trabaho, e.

“Siguro mali yun, kaya sinasabi ng asawa ko na hindi ko kailangan isipin yun 24/7.

“Siguro nandun ako sa mode na…iba kasi ang feeling sa akin kapag nakikita ko na nakakatulong sa industriya yung mga ginagawa namin, may sagot at aksyon, and maybe…

“Siguro ako, on my own, I need to find that balance, knowing when to stop addressing issues and letting other people just do it.

“Pero siguro ako talaga, result-based ako, e.

“Kailangan may sagot ‘yan—anong sagot diyan, anong solusyon—kailangan ganun,” dagdag pang pahayag ni Liza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN