Matteo Guidicelli says girlfriend Sarah Geronimo did not prohibit him from doing love scene with ex-GF

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli says one reason why he refused to do a love scene with his leading lady Alex Godinez, who also happens to be his ex-girlfriend, is out of respect for his current girlfriend Sarah Geronimo. 


“I said yes to everything except sa one scene—yung love scene,” pahayag ni Matteo Guidicelli tungkol sa action movie niyang Across the Crescent Moon.

Magbubukas sa mga sinehan ang pelikula sa January 25.

Katambal ni Matteo sa nasabing pelikula ang baguhang si Alex Godinez.

Si Alex, na pamangkin ni Martin Nievera, ay ex-girlfriend ni Matteo.

Read: Matteo Guidicelli denies girlfriend Sarah Geronimo is jealous of his ex Alex Godinez

Ayon sa Filipino-Italian actor, "implemented" ang love scene nilang dalawa ni Alex sa pelikula.

“It was done in a different way, so implemented love scene, so we didn’t have to do the love scene kumbaga.

“We still did it, but not the physical love scene.”

Sa presscon ng Across The Crescent Moon ngayong Lunes, January 16, inusisa si Matteo kung totoo ang balitang pinagbawalan siya ng girlfriend na si Sarah Geronimo kaya hindi na ginawa ang love scene.

Tinanong din siya kung bakit wala silang kissing scene ni Alex sa pelikula.

Paglilinaw ng Kapamilya star, “Hindi naman sa hindi puwede.

"Siyempre, I also respect my girlfriend, but it’s a thin line being professional whatsoever.

"But, anyway, this is my belief and I respect my girlfriend, and I thought you could do the love scene without doing the physical love scene.

“It could be done in a different way.

“It was okay. It turned out well.”

Tiniyak din ni Matteo na hindi nagselos si Sarah dahil, simula pa lang, ipinaalam na niyang ex-girlfriend niya ang kanyang leading lady sa pelikula.

“I told her in the beginning na there’s this leading lady and she was my ex.

"So, she’s okay with it. So, okay naman."

Paglilinaw rin ni Matteo, hindi naman bawal magkaroon ng intimate scenes sa kanyang acting projects.

“Kung kailangan. As of now, di naman kailangan. Nagawa naman sa ibang anggulo,” paliwanag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nila ni Alex dahil nanatili silang magkaibigan pagkatapos nilang maghiwalay.

"I thought it would be [awkward]. But the thing is, Alex and I, we’ve remained friends.

"And I know the boyfriend [of Alex]. The boyfriend is a good friend also.

"It’s okay. We respect each other, and we draw boundaries, and we respect each other."

Ang Across The Crescent Moon ay tinatampukan din nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, Sandy Andolong, Joem Bascon, Ivan Carapiet, at Jerico Estregan.

Ipalalabas ito sa mga sinehan sa January 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN