Gerald Anderson says he and ex-girlfriend Kim Chiu maintain a professional relationship

IMAGE Rachelle Siazon

Gerald Anderson on how he and ex-girlfriend Kim Chiu finally became comfortable on the set of their upcoming soap, Ikaw Lang Ang Iibigin: "We did a bit of catching up… just being there, being professional."

 


Masayang ibinahagi ni Gerald Anderson na wala nang ilangan sa pagitan nila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Ito ay pagkalipas ng mahigit dalawang buwan mula nang unang inanunsiyo ang kanilang balik-tambalan sa nalalapit na ABS-CBN primetime series na Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sabi ni Gerald, “Yeah, comfortable na, comfortable na lahat ng tao.

“And kasi, alam namin na maganda yung ginagawa namin.

“Ako kasi, tinatawag ko magic. We’re doing magic. I’m excited na mapanood ng mga tao.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald pagkatapos ng presscon ng Skechers Performance, na ginanap sa Dusit Thani Hotel ngayong araw, January 17.

Minsan nang inihayag ni Kim na nag-alangan talaga siya noong unang malamang magkakatrabaho sila ng dating nobyo.

Read: Kim Chiu admits hesitation in working again with ex-boyfriend Gerald Anderson

Kaugnay nito, diretsahang tinanong ng PEP si Gerald kung paano nawala ang ilangan sa pagitan nila ni Kim.

Sagot ng 27-year-old Kapamilya actor, “Usap-usap, catch up. We did a bit of catching up… just being there, being professional.”

Noong Disyembre, kumalat ang larawan nina Kim at Gerald na nagkakasiyahan kasama ng cast at staff ng pinagbibidahan nilang programa.

Nabigyang-malisya ng ilang netizens ang tila pagiging malapit ng ex-couple sa isa’t isa, ngunit agad itong pinabulaanan ni Kim.

Read: Kim Chiu slams netizen accusing her of getting cozy with ex-boyfriend Gerald Anderson


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN