Miriam Quiambao on Maxine Medina: "Maybe she might want to consider using an interpreter."

IMAGE Facebook (Miriam Quiambao)

Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao (in photo) says Filipinos should pray and support Maxine Medina instead of bashing her.  "Whatever happens, I am personally proud of her. And let's continue to be proud of her because she is, after all, our representative," says Miriam.


Nagbigay ng payo si Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao kay Maxine Medina sa gitna ng pressure na kinakaharap nito bilang kinatawan ng Pilipinas sa nalalapit na Miss Universe 2016.

Sa panayam niya sa News To Go ng GMA News TV ngayong Miyerkules, January 18, kinunan ng reaksiyon si Miriam sa sagot ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na mayroon lamang “one in a million chance” si Maxine para makopo ang back-to-back win para sa Pilipinas.

Si Pia Wurtzbach ang reigning Miss Universe.

Read: Gloria Diaz on Maxine Medina's chances of winning Miss Universe 2016: "Chance is one in a million."

Ayon kay Miriam, “Of course, I respect si Miss Gloria Diaz, whatever opinion she has.

“Pero sa akin talaga, mas maigi kung suportahan na lang natin ang ating kandidata.

“Ipagdasal natin siya. She needs all the support at this point.”

Pinayuhan din ni Miriam si Maxine na iwasan muna ang tumingin sa social media upang hindi siya maapektuhan ng pamba-bash sa kanya.

“Siguro huwag muna siyang tumingin-tingin sa social media para hindi na umaabot sa kanya itong mga balita.

“Yung mga tao namang nakapaligid sa kanya, huwag nang ibalita sa kanya kung meron mang nega.”

Diin pa ni Miriam, mahalagang ipagdasal at suportahan si Maxine.

“Whatever happens, I am personally proud of her.

“And let's continue to be proud of her because she is, after all, our representative.”

ENGLISH OR TAGALOG? Sang-ayon din si Miriam na kumuha na lamang ng interpreter ni Maxine kung sa palagay nito ay maihahayag niya nang mas maayos ang sarili sa sariling wika.

Saad niya, “Kung hindi siya ganun kakumportable sa English.

“Pero sa tingin ko naman, bagamat meron siyang communication challenges, what I appreciate about her is she is sure of her answers and she is confident when she tells them.

“Meron lang ilang grammatical errors.

“But, maybe she might want to consider mag-Tagalog na lang siya, gumamit na lang tayo ng interpreter, kung dun siya magiging kumportable.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa ni Miriam, maging ang ilan sa Latina candidates na karaniwang gumagamit ng interpreters sa Miss Universe ay marunong mag-English.

“Marunong silang mag-Ingles, meron sa kanilang ilang marunong mag-Ingles.

“Gumagamit sila ng interpreter para habang nag-i-interpret ng question, may panahon sila para mag isip. Strategy yun.”

Naniniwala si Miriam na dahil nga English-speaking nation ang Pilipinas, sinisikap ng marami na ipahayag ang sarili sa English.

Nang tanungin kung bakit hindi siya gumamit ng interpreter nang sumabak siya sa Miss Universe, sagot ni Miriam: “Because I thought I was comfortable answering in English.”

IMPORTANCE OF Q&A. Nausisa rin si Miriam kung gaano kalaki ang impact ng question-and-answer upang manalo ang isang kandidata sa Miss Universe.

Pahayag niya, “Ten percent lang naman yata ang composition ng question-and-answer sa overall score.

“Pero dito kasi madi-display ng candidate how articulate she is.

“Lalung-lalo na, as a representative ng Miss Universe, siya yung magiging spokesperson.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN