Maxine Medina considers option to use interpreter in Miss Universe

IMAGE Noel Orsal

Pinag-iisipan na raw ngayon ni Maxine Medina, ang pambato ng Pilipinas sa 65th Miss Universe, ang paggamit ng interpreter sa question-and-answer portion ng pageant. Pahayag niya, "Wala namang masama kung magta-translate tayo, and I'm here also to win."


Habang papalapit nang papalapit ang pagdaraos ng 65th Miss Universe, lumalakas din ang panawagan na gumamit ng interpreter ang pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina sa question-and-answer portion ng pageant.

Sa opinyon ng maraming pageant enthusiasts, hindi ganun kagaling sumagot at magsalita ng English si Maxine sa kanyang interviews.

Nag-aalala rin silang baka mahirapang makapasok sa Top 15 si Maxine o mapagtagumpayan ang back-to-back win ng Pilipinas sa Miss Universe kapag hindi siya gagamit ng interpreter.

Read: Maxine Medina's mentor dismayed by online bashing of her English skills

Sa kanyang send-off presscon noong nakaraang linggo, sinabi ni Maxine na sasagot siya sa question-and-answer portion ng Miss Universe sa salitang English.

Read: Maxine Medina confident of back-to-back Miss Universe win: "We can do this!"

Ngunit tila nag-iba na ang tono ng pambato ng Pilipinas nang makausap siya ng media sa isang event ng Miss Universe sa Condrad Hotel, sa may Pasay City, ngayong Miyerkules, January 18.

Sa ulat ni MJ Marfori ng News5, sinabi ni Maxine na pinag-iisipan na niyang gumamit ng interpreter sa grand coronation ng Miss Universe sa January 30, kung sakaling makasama siya sa Final 5.

Saad niya, “Oo naman, napakaganda ng Tagalog.

“And there’s this one time Pia [Wurtzbach] and I were talking, and all the candidates were, like, ‘Oh, it’s so nice to hear you talking in Tagalog.’

“So, wala namang masama kung magta-translate tayo, and I’m here also to win.

“I will request if I have to.”

Maging ang ibang beauty queens ay nag-suggest na rin kay Maxine na gumamit ng interpreter kung nais nitong makuha ang korona; kabilang sinasi Miss Universe 1999 1st runner-up Miriam Quiambao at Miss Universe 1969 Gloria Diaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN