Sunshine Dizon moves toward annulment of marriage to Timothy Tan

IMAGE Gorgy Rula

Sunshine Dizon concedes her estranged husband Timothy Yap is a good a father. She says, "I can say for sure, he's doing his part for the children. Huwag nating i-diskuwento sa kanya yun, he's been really good with the kids."


Ayon kay Sunshine Dizon, kahit inurong na niya ang mga kasong isinampa sa asawang si Timothy Tan, tuloy pa rin daw ang kanyang laban.

Lahad niya, “My fight doesn’t end there.

“There are other plans na parang remedy kung anuman ang maling nagawa sa akin.

“I just can’t discuss right now kasi may nakasampa pa akong kaso.”

Sabi ni Sunshine, “It’s a very difficult decision to make, napakahirap for me na ibaba ang kaso.

“I still have two children who need their father.

“And masakit for me na, bilang ina nila, hindi ko na kayang buuin ang pamilya namin.

“Hindi ko na kayang ibigay sa kanila yun, na bumalik pa kami sa dati.

“Alam ko in my heart na hindi na babalik sa dati, may lamat na, nalamatan na.

“The only thing I can do now is, somehow, save their relationship to their father.

“I can say for sure, he’s doing his part for the children.

“Huwag nating idiskuwento sa kanya yun, he’s been really good with the kids.”

Sinasabi ni Sunshine dati na hindi siya papayag sa annulment.

Pero kasabay nang pag-urong niya ng mga kaso laban sa asawa ay pumayag na siyang mag-file ng annulment.

Read: Timothy Tan issues public apology to wife Sunshine Dizon

Bakit biglang ganoon ang naging desisyon ni Sunshine?

Sabi niya, “Marami lang akong realization, especially with all these things happening.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa Antipolo City noong January 18 sa taping ng kanyang afternoon prime sa GMA-7, ang Ika-6 Na Utos.


CIVIL. Halos araw-araw raw ay nakikita ni Sunshine si Tim kapag sinusundo nito ang dalawang anak nila at hinahatid sa school.

“I see him almost every day, civil lang kami.

“We don’t fight, hindi kami nagbabastusan, wala.

“He calls me up… we discuss kung anuman ang mga kailangan ng mga bata sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially now that I’ve been very busy, kung may kailangang attend-an sa school, I give it to him.

“Tatay pa rin naman siya ng mga anak ko.

“Tim and I kasi are friends… mag-boyfriend-girlfriend pa lang kami, our relationship was based on friendship.

“Kahit noong nag-away kami, galit kami sa isa’t isa, nakakapag-usap pa rin kami ng civil.”

Masasabi ba niyang magkaibigan na sila ngayon?

“Hindi ko alam,” saad ni Sunshine, “I don’t want to put labels on it.

“Civil lang kami, I don’t bother asking him if he’s dating… I don’t care, honestly.”

Hindi kaya lumambot ang puso ni Sunshine para mabuong muli ang pamilya niya?

Sagot ni Sunshine, “Maraming bagay kasi na wala pa ring kasiguraduhan.

“Hindi ko alam… ayokong pumasok sa isang bagay na hindi ako sigurado.

“Alam ko kasi ngayon na hindi ako sigurado.

“I would rather end this and have my share of peace of mind and just move on with my life, with my children.”

Dahil isinusulong na rin niya ang annulment, bukas ba si Sunshine sa panibagong pakikipagrelasyon?

Aniya, “Hindi ko alam, kung tatanungin mo ako, diretso kong sasabihin na hindi.

“I would rather concentrate on my children’s welfare rather than entertain other guys.”

May nag-aattempt na bang manuyo?

“Wala rin,” natawa niyang sabi, “I don’t go out, my life has been with my children and work.

“Suwerte na nga noong New Year nakalabas ako with some friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN