Balik-trabaho na si Boobay ngayong linggo, January 22, at napanood na sa Sunday Pinasaya ng GMA-7, matapos ang dalawang buwang pagkawala sa showbiz matapos siyang ma-stroke.
Bakas sa komedyante ang pagiging energetic sa show, kasama ang kaibigan at fellow co-host niyang si Marian Rivera.
Sa isa pang video na in-upload ng kasamahan nila sa show na si Jerald Napoles, game na game din na nakipagkulitan si Boobay nang gayahin nila ang isang viral video ngayon sa social media.
Mapapanood sa nasabing parody sina Ruru Madrud at Atak.
November noong nakaraang taon nang ma-stroke si Boobay at isinugod sa ospital.
Read: https://www.pep.ph/news/65429/kapuso-comedian-boobay-rushed-to-icu-following-stroke
