Eric Quizon happy about reconciliation of Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao

IMAGE Noel Orsal

Eric Quizon on reported reconciliation of Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao: "As long as she's happy, go for it. I think she is, I hope she is."


Nagpahayag ng suporta si Eric Quizon sa pagbabalikan ng magkasintahang Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao.

Pahayag ni Eric, “As long as she’s happy, go for it. I think she is, I hope she is.”

Si Eric ay anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, na dating live-in partner ni Zsa Zsa.

Hindi rin lingid sa showbiz circles na matalik na kaibigan ni Eric ang Divine Diva.

Paglalarawan pa ni Eric sa samahan nila ni Zsa Zsa, “Yeah, I always talk to Zsa Zsa all the time.

“It goes without saying, kumbaga, parang understood na namin yun na sila ulit [ni Conrad].”

Naiulat noong May 2016 ang tungkol sa pagkaudlot ng kasal ng noo'y engaged couple na sina Zsa Zsa at Conrad.

Ngunit noong Oktubre, pagkalipas ng limang buwan, ay nagkabalikan din ang dalawa.

Read: Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao together again, says report

Sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eric pagkatapos ng presscon ng ABS-CBN primetime soap na My Dear Heart.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ELJ building ng ABS-CBN noong Huwebes, Enero 19.

BACK TO ACTING. Matapos ng sunud-sunod niyang pagtanggap ng directorial jobs, ibinahagi ni Eric na excited siyang magbalik sa pag-arte sa isang full-length teleserye.

Bago ang My Dear Heart, nagkaroon din ng cameo appearance si Eric sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Of course I’m grateful, I’m glad I’m back in acting again. Na-miss ko siya.

“I’m glad I’m part of this serye [My Dear Heart]. Nung sinabi sa akin ang role, sabi ko, 'I’m glad to do this.'

“I play a doctor na kalaban nila Coney [Reyes]. Kontrabida? Medyo ganun.”

Aminadong malapit daw sa puso ni Eric ang pagiging direktor at aktor.

“I love both. It’s just that I haven’t been acting for a while.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro mas maganda rin na mag-artista ulit kasi nag-umpisa naman talaga ako bilang artista.

“Sabi ko, ‘Mag-artista kaya ulit ako?’ Saka yung mga direktor ko, lahat sila, 'Uy, mag-artista ka ulit. Sayang ka.'”

Natatawang sumang-ayon din si Eric sa kaalamang mas malaki ang kita niya sa pag-arte kaysa sa pagdirehe ng teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN