Aiza Seguerra apologizes to Senator Tito Sotto over condom-distribution issue

IMAGE Noel Orsal

"Siguro mali ang intindi sa pronouncements na lumabas sa social media, so that's what the reaction Aiza gave," says Senator Tito Sotto about his recent clash with Aiza Seguerra over condom distribution to high school students.


Nagkaayos na sina Senator Tito Sotto at Aiza Seguerra matapos ang magkasalungat nilang pananaw tungkol sa panukalang condom distribution sa high school students.

Sa panayam ni Sotto sa ilang Senate reporters kanina, January 25, sinabi niyang humingi na ng paumanhin ang chairman ng National Youth Council (NYC) sa kanya sa pamamagitan ng text message.

“She texted me. She apologized for her statement and for calling me out.

"And she now understands that [she] should concentrate on the issue, not on the personality."

Sa palagay ng senador, nagkaroon lamang sila ng miscommunication tungkol sa isyu.

“Siguro mali ang intindi sa pronouncements na lumabas sa social media, so that's what the reaction Aiza gave.”

Sa Facebook post ni Aiza noong January 18, tinawag niya ang pansin ng senador at Eat Bulaga! host dahil sa pagtutol nito sa panukala ng Department of Health (DOH).

Read: Aiza Seguerra and Senator Tito Sotto clash over condom distribution

Para kasi kay Sotto, hindi raw ito maaaring gawin ng DOH dahil sa konserbatibong kultura ng mga Pilipino.

Sagot ni Aiza tungkol dito: “Dahil sa conservative culture na ito kaya kahit obligasyon ng mga magulang at guro na turuan ang kanilang mga anak at estudyante tungkol sa Sex Education, hindi nila ito ginagawa kasi ‘taboo.’

“Dahil sa conservative culture na ito, the Filipino people were denied of RH services for the longest time.

“Damage has been brought upon our people by this conservative culture because it makes us decide based on beliefs at hindi hard evidence.

“Would you rather people keep dying of HIV/AIDS as long as hindi na ooffend ang sensibilities ninyo?

“Now, sino ang nag iimpose ng beliefs sa nakararami?”

Marami ang pumuri sa ganitong posisyon ni Aiza. Sa isang predominantly Catholic country kasi gaya ng Pilipinas, ang ganitong kaisipan ay madalas itinatago na lamang.

Sa sinasabing apology ni Aiza, hindi malinaw kung paano ang pagkakabitiw nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na panayam kay Sotto, sinabi ng veteran actor-politician na hindi siya nasaktan sa pahayag ni Aiza.

Ngunit patutsada pa rin nito, “Baka nakalimutan na niya kung saan siya galing siguro. Mas nanaig sa kanya yun pagka bagitong politiko.”

Si Aiza ay produkto ng longest-running noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga, kung saan isa sa mga host si Sotto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN