PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla and Aljur Abrenica finally speak up about engagement, pregnancy

IMAGE Mark Atienza

Aljur Abrenica on engagement to girlfriend Kylie Padilla: "Nag-propose ako sa kanya, tapos pagdating namin sa Pilipinas, pag-uwi namin, we've decided na tumira sa iisang bahay."


Ilang araw pagkatapos lumabas ang balitang buntis si Kylie Padilla at pag-anunsiyo ng engagement ng aktres sa boyfriend nitong si Aljur Abrenica, sa unang pagkakataon ay humarap ang dalawa para sa isang exclusive interview sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang panayam ng writer na ito kina Kylie at Aljur sa mismong bahay ng aktor sa may Timog Avenue, Quezon City, ngayong Huwebes ng umaga, January 26.

Nagdesisyon ang engaged couple na magpa-interview sa PEP upang linawin ang ilang mga detalyeng lumabas tungkol sa engagement nila at sa pagbubuntis ni Kylie.


Bungad ni Aljur, “The reason why kung bakit tayo nandito ngayon ay dahil sa issue na engagement.

“Unang-una, ang engagement ay nangyari between two people, kami ni Kylie.

“May lumabas na post na pinangunahan kami.

“Sentimental ang engagement para sa akin, kahit sinong tao, di ba?

“Kahit kayo, napangunahan kayo sa balita, na dapat kayo ang unang naglalabas nito.

“Ang engagement kasi, minsan lang ‘yan nangyari sa buhay natin, e.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang pag-anunsiyo ng management team ni Kylie, ang Vidanes Celebrity Marketing (VCM), na engaged na sina Kylie at Aljur, noong Martes ng gabi, January 24.

To our great public, this is an official statement.

A photo posted by VIDANES Celebrity Marketing ? (@vidanes_cm) on

Sabi pa ni Aljur sa kanyang fiance, “Sa ating dalawa, masaya ako na nangyari yun, at hindi muna ako nagsalita dahil advice nila.

“So, sa totoo lang, medyo nabastusan ako sa ginawa nila...

“Hindi, talaga, medyo nabastusan talaga ako sa nangyari.”

Para kay Aljur, napangunahan siya sa sitwasyon.

Pagpapatuloy niya, “Naglabas ng post ang VCM…”

Sabat ni Kylie, “Mahal, management ko…”

Diin ni Aljur, “Pero hindi talaga ako natutuwa, pasintabi.

“Kasi, kung kanino man dapat manggaling ang balitang ito, dapat sa aming dalawa ni Kylie, e.

“Management mo sila, okay, wala akong ano, pero kahit man lang sana pasintabi, abiso sa akin, i-text man lang sana ako na sabihin or kahit ako pa ang tumawag sa kanila, e, para magpaalam man lang, puwede pa sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaso wala, wala ako narinig."

Patuloy ng 26-year-old actor, "If there’s someone na una nagbalita nun o nag-post nun, kung si Kylie pa nag-post nun, maiintindihan ko, e.

“Kasi sa kanya ako nag-propose, kaming dalawa yun, e.

"So, di talaga ako…. Nahirapan ako magsalita dahil management niya yun, e. Pero hindi talaga ako natutuwa."

Pahayag pa ni Aljur, “Kailangan masabi 'to, e, dahil sa mga lumabas na balita—engagement, bago ‘yan, pagbubuntis, engagement..."

Ang anunsiyo ng binata, "Before pa nangyari ang lahat ng ito, before pa nangyari ang rumors tungkol sa pregnancy at pagbabatikos sa aming dalawa, meron nang engagement na nangyari."

FIRST PROPOSAL. Ayon kina Aljur at Kylie, nang nagbakasyon sila sa Japan noong huling bahagi ng October 2016, nagkaroon na ng engagement sa pagitan nila.

Read: Ex-couple Aljur Abrenica and Kylie Padilla together in Japan

Ang dating daw kasi, matapos lumabas sa PEP ang balitang tatlong buwan nang buntis si Kylie noong Lunes, January 23, parang napilitan lang sila sa engagement.

Sabi ni Aljur, “Para mas malinaw lang, ikukuwento ko, kasi ngayon lang kami kasi nagkaroon ng chance na mag-usap, e.

"Kailangan ko na siyang sabihin para malinaw.

"Kasi pinangunahan na tayo, binatikos ka na, hindi ko kayang… hindi ko puwedeng hayaan, e."

Paglilinaw ng Kapuso actor, “Ang engagement, nangyari before pa na nagkaroon ng mga rumors about the pregnancy.

"Nung nagkabalikan kami ni Kylie, masaya kami.

“Nag-plan kami ng trip sa Japan, nagkabiglaan.

"Tapos, inaano niya ako... ipinakilala niya ako sa Disney, sa Tokyo Disney Sea.

“Hindi naman ako Disney kid, e, so natutuwa ako sa kanya from the time na humarap… parang si Ariel ata yung ipinakilala niya sa akin.”

Ariel ang pangalan ng Disney character mula sa The Little Mermaid.

Sa bahaging ito, si Kylie na ang nagkuwento kung paano nangyari ang proposal sa kanya ni Aljur sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng 24-year-old actress, “May istatwa kasi dun na Ariel bago ka pumasok sa Disney Sea, yung underwater land na Atlantica.

"Tapos, yun, ipinapakita ko sa kanya na, ‘Ito si Ariel, favorite ko siya. Dahil sa kanya, gusto ko maging mermaid.' Alam na niya na yun.

“Tapos, habang nagsasalita ako, nakatalikod ako sa kanya, akala ko nakikinig siya, hindi pala.

"Gusto na niya mag-propose.

“Kaya nag-post ako na, ‘Happiest tears.’"

Happiest tears ever cried at Tokyo Disney Sea.

A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Dagdag pa ni Aljur, “Kaya dun pa lang, nag-propose na ako sa kanya.”

Natatawa namang sabi ni Kylie, “Akala ko nga joke, pero nag-‘Yes’ ako!”

SECOND AND THIRD PROPOSAL. Pagkauwi raw nila sa Pilipinas, nangyari naman ang pangalawang proposal ni Aljur kay Kylie noong Nobyembre 2016.

Ito rin ang panahaong eksklusibong inamin ni Aljur sa PEP na nagkabalikan na sila ni Kylie.

Read: PEP EXCLUSIVE. Aljur Abrenica confirms rekindled relationship with Kylie Padilla

Kuwento ng 26-year-old Kapuso actor, “Nag-propose ako sa kanya, tapos pagdating namin sa Pilipinas, pag-uwi namin, we’ve decided na tumira sa iisang bahay.

"Kasi, para makita namin kung compatible kami sa isa’t isa."

Gusto raw nilang malaman kung click sila sa isa't isa.

Sabi pa ni Aljur, "Kasi ayokong magaya sa ibang artists, pasintabi sa kanila, after a couple of years after nilang ipakasal, naghihiwalay.

“So, naging praktikal lang kami, tiningnan namin.

"And then, that’s the time na naramdaman ko ulit na kailangan ko mag-propose ulit.

"Nag-propose ulit ako sa kanya.

“Meron akong… meron akong nakitang bakal na may plastic na kulay green, prinipare ko talaga para alam nila, ito siya..."

Pagkatapos nito ay ipinakita ni Aljur sa PEP ang larawan ng "singsing" na tinutukoy niya.

Yet still so appealing. ????

A photo posted by bulldog (@kylienicolepadilla) on

Patuloy ng StarStruck alumnus, "Nag-propose ulit ako sa kanya.

“And then, sabi ko, tulad ng ibang babae, gusto ko namang maging proud si Kylie. May ipinagmamalaki silang singsing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit wala akong trabaho ngayon, matagal na yung huling project ko sa GMA, meron naman akong naipon, bumili ako ng singsing para sa kanya."

Sa puntong ito ay halatang kinilig nang husto si Kylie.

Sabi ng Encantadia actress, “Nung eto na, medyo alam kong seryoso na... Pero I considered myself engaged na.

"Kasi, sino ba namang babae ang hindi sasaya, di ba, na gusto kang pakasalan ng lalaking mahal mo?

“I considered it, pero ano pa, light pa.

"I wasn’t thinking about marriage life, ganito, ganyan.

"Pero nung nakita ko ‘to, parang, ‘O, my gosh, ito na nga yun! Ito na nga!'"

Pakli naman ni Aljur, “So, yun yung mga nangyari, engagement muna bago nangyari yung mga rumored pregnancy.”



Stories We Are Tracking

Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
Kylie Padilla and Aljur Abrenica are engaged!
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant
It's confirmed: Kylie Padilla is pregnant
Kylie Padilla embroiled in pregnancy rumors
Kylie Padilla embroiled in pregnancy rumors


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN