PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla reveals dad Robin and mom Liezl's reaction to her pregnancy

IMAGE Mark Atienza

Kylie Padilla and Aljur Padilla waiting for the right time to formally talk to Robin Padilla, Kylie's dad. Kylie explains, "Gusto lang namin ayusin lahat at sana kumalma muna yung sitwasyon, kasi medyo mainit pa siya. Tsaka andaming tao na clueless pa na ano ba nangyayari talaga."


Kasunod ng kumpirmasyong buntis si Kylie Padilla sa anak nila ng nobyong si Aljur Abrenica, inaabangan ngayon ng marami ang naging reaksiyon ng mga magulang ng aktres na sina Robin Padilla at Liezl Sicangco.

Read: Kylie Padilla is three months pregnant; Aljur Abrenica camp denies breakup

Sa pagpapatuloy ng exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Kylie at Aljur ngayong Huwebes, January 26, inusisa namin sa dalawa kung paano nila ipinaalam sa mga magulang ng aktres ang pagdadalantao nito.

Kuwento ni Kylie, “The day na nag-pregnancy test ako, that day mismo, I had taping, tapos tumawag ako sa nanay ko.

“Sabi ko, ‘Ma...’ wala pa akong sinasabi, naiyak na ako.

“Sabi ko, ‘Ma, I’m pregnant. Anong gagawin ko?’

“Tapos, ang unang-unang sinabi ni Mama, ‘Basta, anak, huwag mong ipapalaglag ‘yan.’

“Siyempre, alam naman ni Mama sa showbiz, e.

"Sabi ko, ‘Opo.’ Tapos, yun.”

Ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco ay based na ngayon sa Queensland, Australia.


ROBIN'S REACTION. Pagdating naman sa ama ni Kylie na si Robin Padilla, sa isang dinner daw kamakailan lamang ipinaalam ng aktres ang tungkol sa kanyang kalagayan.

Patuloy na lahad ng Encantadia actress, “Si Papa, nakakatawa yun, kasi nag-dinner kami.

"Tapos, yun, nagtatanong na siya kung gusto ko na bang mag-asawa, kasi may nagsabi na yata sa kanya na engaged na kami, e.

“Tapos, sabi ko, ‘Uhm, I’m ready myself, Pa.’

“So, nagkuwento na siya about that, about getting married.

"Tapos, biglang sabi ko, ‘Pa, may sasabihin pa ako sa ‘yo.’”

Tugon daw ni Robin na may kasunod na malutong na halakhak: "Ano yun, Anak? Buntis ka, 'no?"

Kuwento pa ni Kylie, “Tumawa lang siya. Sabi ko, ‘Ang galing mo dun.’

“Tapos, ayun na, ipinakita ko sa kanya yung scan nung bata, kasi kita na yung ilong, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘O, anak, ha, alagaan mo ‘yan.’”

ALJUR AND KYLIE'S PARENTS. Sa panig naman ni Aljur, tinawagan daw niya ang ina ni Kylie na si Liezl.

Sabi niya, “Sinabi ko, 'Mahal ko si Kylie,' simple lang.”

Sa kabilang banda, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hindi pa lubusang tanggap ng ama ni Kylie si Aljur.

Ngunit umaasa ang Kapuso actor na magkakausap sila ng action star.

Ayon kay Aljur, “Kay Tito Robin, looking forward ako na finally magkita kami. Makapag-usap.

“Nirerespeto ko lang naman yung desisyon niya na hindi pa siya handang makita kami.

“Tulad nung tina-try namin ni Kylie na makausap siya, simula nung mag-live in kami, kasi mahal ko talaga 'to, e.

“So, sana.”

Pero pahiwatig ni Kylie, tanggap na ni Robin ang kanilang relasyon.

Ayon sa 24-year-old actress, “Pero nagbitaw naman ng salita si Papa.

"Sabi niya, ‘Kung handa na talaga kayo, nandito lang ako.’”

Sa ngayon, inaayos at hinihintay nina Kylie at Aljur ang pagkakataong sabay nilang makaharap si Robin.

Pahayag ni Kylie, "Gusto lang namin ayusin lahat at sana kumalma muna yung sitwasyon, kasi medyo mainit pa siya.

“Tsaka andaming tao na clueless pa na ano ba nangyayari talaga.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Kylie Padilla and Aljur Abrenica finally speak up about pregnancy, engagement


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN