Shamcey Supsup points out Maxine Medina's home-court advantage

IMAGE Francesca Ganal

Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup says Maxine Medina is lucky to have the 65th Miss Universe pageant held in Manila: "Maxine is lucky kasi nandiyan lang ang pamilya niya. She can see and call them anytime she wants. Yun ang advantage na dito sa Pilipinas ginawa ang Miss Universe."


Para kay Shamcey Supsup, masuwerte ang ating Philippine representative na si Maxine Medina dahil dito sa ating bansa nangyayari ang 65th Miss Universe pageant.

Hindi raw naranasan ni Maxine ang mapagod na bumiyahe nang mahaba at hindi rin siya malayo sa mga mahal sa buhay.

Noong 2011 ay ginanap ang Miss Universe sa Sao Paolo, Brazil, na ang layo sa Maynila ay mahigit 12,000 miles at nangangailangan ng halos 24-hour air travel.

Si Shamcey ang Philippine representative noon.

Kuwento ni Shamcey, “Nakakapagod talaga yung biyahe because I had to go through four different airports para sumakay ng iba’t ibang eroplano.

“I had with me four big luggages kasi dala ko ang mga isusuot ko for the Miss Universe.

“I had to carry them out every time na magpapalit ako ng flight.

“In one airport, nasita pa ako ng immigration officer at kinuwestiyon bakit ang lalake ng mga dala kong maleta.

“I told them that I was competing for the Miss Universe in Brazil and the luggages contain the clothes and shoes that I’m going to wear for the pageant.

“Hindi ko kasi suot yung Miss Philippines na sash ko kaya ako nasita.

“Noong malaman nila na candidate pala ako, they apologized naman sa akin, and they allowed me to board my flight.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shamcey sa Il Centro ng Sta. Lucia Grand Mall, kung saan naganap ang grand opening ng pang-anim na branch ng Pedro N' Coi, na business nila ng mister niyang si Lloyd Lee.

Kasabay ng grand opening ang first birthday and dedication ng baby girl nilang si Nyke Lee.

READ Shamcey Supsup's Baby Nyke celebrates first birthday with beauty queens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
HOME-COURT ADVANTAGE. Dahil Pilipinas ang venue ng Miss Universe, hindi rin daw mahu-homesick si Maxine dahil madali lang niyang mapuntahan o matawagan ang mga mahal sa buhay.
“Maxine is lucky kasi nandiyan lang ang pamilya niya.
“She can see and call them anytime she wants.
“Yun ang advantage na dito sa Pilipinas ginawa ang Miss Universe.
“Within reach ang family mo, and of course yung support ng kababayan natin ay mararamdaman mo agad.
“When I was competing in Brazil, I think wala pang twenty ang mga Pinoy na nandoon rooting for me.
“Dito, Maxine has the whole country behind her.
“What’s important is that you have family around you, and that will keep your spirit alive.
“I know that Maxine is going through a tough time, especially with the negative comments on social media.
“But I know she can survive this, and I wish that she wins the crown for Philippines again,” ngiti pa ni Shamcey.
LUCKY TO HAVE LLOYD. Importante sa former beauty queen ang mga mahal nito sa buhay, lalo na ang mister na si Lloyd, na siyang naging number one supporter daw niya.
Naikuwento ni Shamcey na noong sobra siyang na-homesick sa Brazil, naisip nitong mag-quit at umuwi na lang sa Pilipinas.
Pero si Lloyd daw ang pumigil sa kanya.
Lahad niya, “Lloyd and I were talking over Skype almost every day kasi sobra akong nahu-homesick.
“Hindi kasi ako sanay na wala ang pamilya ko sa tabi ko.
“I need the comfort of the people I love parati.
“Siyempre, you’re in a different country, and you don’t know lahat ng mga tao doon, kaya that made me really miss home.
“Witness si Lloyd sa mga pag-iyak ko noon, and I almost went home na talaga."
Patuloy ni Shamcey, “If it wasn’t for Lloyd, I would have flown home na.
“Lloyd said that I have to fight whatever is making me sad.
“He said pa na I won Miss Philippines for a reason.
“May reason kung bakit ako nasa Brazil competing for Miss Universe.
“After niyang sabihin iyon, bumalik yung confidence ko to go on with the competition.”
Sa kabila ng homesickness, natapos ni Shamcey ang pageant bilang 3rd runner-up.
Kaya naman masaya si Shamcey na nakatuluyan niya si Lloyd.

“Lloyd has been that person who sees the best in me when sometimes I feel like giving up.
“I am lucky to be his wife and and even luckier to be mother of his child,” pagtatapos ng beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN