Miss Colombia 2015 Ariadna Gutierrez posts hugging photo with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

IMAGE Instagram (@gutierrezary)

Hours before the Miss Universe 2016 pageant, Miss Universe 2015 1st runner-up Ariadna Gutierrez of Colombia posts hugging photo from last year with Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 


Nag-post si Miss Universe 2015 1st runner-up Ariadna Gutierrez ng Colombia ng hugging photo nila ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, na kuha noong 2015 sa 64th edition ng pamosong beauty pageant.

Ipinost ni Ariadna ang nasabing larawan sa kanyang social media accounts ilang oras bago magsimula ang Miss Universe 2016 pageant ngayong Lunes, January 30.

Simpleng caption ni Ariadna: “Hoy es el da! Today is the day! SPREAD LOVE NOT HATE #MissUniverse #GoodLuckGirls #VamosColombia”

Hoy es el da! Today is the day! SPREAD LOVE NOT HATE ????????? #MissUniverse #GoodLuckGirls #VamosColombia ????????????

A photo posted by Ariadna Gutierrez (@gutierrezary) on

Kontrobersiyal ang edisyong iyon ng Miss Universe dahil sa pagkakamali ng host na si Steve Harvey sa pag-announce ng winner.

Maaalalang inanunsiyo kasi ni Steve na si Ariadna ang nanalo, subalit makalipas ang ilang minuto, bumalik sa entablado ang American TV host at nilinaw na si Pia ang nanalo sa pageant at hindi si Ariadna.

Bunsod nito, nagkaroon ng hidwaan ang pageant fans and enthusiasts mula sa dalawang bansa.

Ginanap ang pageant na iyon sa Las Vegas, Nevada, noong December 20, 2015.

Samantala, naging kontrobersiyal din ang kasalukuyang pambato ng Colombia na si Andrea Tovar, nang hindi magustuhan ng Filipino netizens ang mga komento ng Latina beauty queen tungkol sa giveaways na ibinigay ng tinutulyang hotel dito sa bansa.

Read: Miss Colombia Andrea Tovar's sarcastic comment about hotel food giveaways draws flak from netizens


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN